Si Elizabeth Dizon, ang nagiisang anak ni Bianca at Mark Dizon. Lahat ng pangangailangan at kagustuhan ni Elizabeth ay ibinibigay nila ngunit ang tanging bagay na hindi nila magawang ibigay ay ang pagmamahal at oras na nilalaan sa kanilang anak.
Sabado ng gabi ay kauuwi lamang ni Elizabeth. Nadatnan niyang nasa loob ng bahay ang kanyang magulang, at agad siyang sinalubong.
Siya’y nagtataka sapagkat tuwing Sabado ay inaabot ng hating gabi ang kanyang mga magulang.
Eliz,ika’y magpalit na ng iyong damit at kumain na, at kami ng papa mo ay aalis mulimamaya. Sa kadahilang may dapat pa kaming asikasuhin sa opisina.
Ako ayaakyat na lamang po sa itaas upang makapag-pahinga sapagkat ako po ay hindi nagugutom.
Ngunit anak,masama ang matulog ng hindi nakakakain. Halika at kumain ka muna.
Sa kadahilanang pagod si Elizabeth ay hindi niya naiwasang mataasan ng tono ang kanyang mga magulang.
Ayos lang po ako ma!
Hindi napigilang magsalita ng kanyang tatay at nasigawan si Elizabeth.