Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo,ngunit ng tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at pinatay si Kaesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan. Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa’y naghahangad makalapit sa istaked.
Mag-aalas onse na nang araw ding iyon nang dumating ang alkalde mayor kasama ang hepe ng mga pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-abot ang busina ng dyip na kinasasakyan ng dalawa upang mahawi ang hanggang noo’y di pa nag-aalisang tao. Itinaas ng may-katabang alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak naman ang malaking hepe.
Pinuntahan ni Kabesang Tano si Tata Selo sa sakahan nito. Pilit na pinalalayas ng kabesa si Tata Selo dahil ipapasaka nito ang kanyang lupa sa iba. Nang makiusap si Tata Selo, sa halip na pakinggan ay tinungkod siya nang tinungkod ni Kabesang Tano kaya nataga ito ni tata Selo. Pagkatapos, nakulong si Tata Selo sa iskated ng munisipyo.
BInabawi po nya ang aking saka. Saan pa po ako pupunta kung wala na kong saka?
HIndi katwiran yan para tagain mo ang kabesa. Ari nya ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka nya paalisin, mapapaalis ka nya anumang oras.
Unang naroon sa munisipyo ang binatang anak ng pinakamayamg propirtaryosa San Roque. Inusig nito si Tata Selo kung bakit niya pinatay si KabesangTano kaya ipinagtanggol ni Tata Selo ang kanyang sarili sa pamamagitan ngpagsasalaysay sa kung paano nagsimula ang insidente. Huling dumating ang alkalde at ang hepe ng pulisya na galing pa sa bahay ng nasirang kabesa.May pagkayamot na tiniyak ng alkalde ang hatol na pagkakabilanggo kayTata Selo. Pinangatwiranan pa rin ni Tata Selo na siya ang unang inagribiyado at ipinagtanggol lamang niya ang kanyang sarili ngunit tila wala nang ibang naririnig ang mga may kapangyarihan.
Hindi ka nasana naparito, Saling.May sakit ka Saling, maysakit ka!?
Kinabukasan, mga dakong alas dos, dumating si Saling na anak ni Tata Selo.Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakasna humagulgol. Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito’y ipinatawag sa kanyang tanggapan. Di nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon.Dalawang pulis ang umaalalay kay Tata Selo. Nabubuwal sa paglakad si Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng president. Nagyakap ang mag-ama pagkakita,
Mag-iikapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa riniyon. May kapiraso nang lilim sa istaked, sa may dingding sa steel matting,ngunit si Tata Selo’y wala roon. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakongharapan ng istaked. Nakatingin sitya sa labas, sa kanyang malalabo at tilalagi nang nag-aaninaw na mata’y tumatama ang mapulang sikat ng araw. Salabas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang inutusan niya kangina.Sinasabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunithindi siya pinakikinggan ni Tata Selo, na ngayo’y hindi na pagbawi ng sakaang sinasabi. Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! ang lahat ay kinuha na sakanila.
Ang lahat ay kinuha na sa amin, lahat, ay! ang lahat ay kinuha na sa amin.
Over 30 Million Storyboards Created
We use cookies to ensure you get the best experience. Privacy Policy