Si Mariang Sinukuan ang mahiwagang engkantada ng bundok Arayat sa Pampanga. Siya ay mabait sa mga tao.
Laging nagbibigay ng makakaing prutas at gulay si Mariang Sinukuan sa mga tao lalo na kung panahong walang ani sa bukid ang mga magsasaka.
Masaya ang mga tao sa bayan dahil sa pagtulong ni Maria Sinukuan sa kanila. Kaya naman sinusunod nila at hindi nila inaabuso ang kabaitan niya.
Isang araw may mga kalalakihan na naligaw sa kagubatan. Sila ay tinulungan ni Mariang Sinukaun. Sila ay binigyan ng pagkain at pinagpahinga. Ngunit sila ay may masamang balak.
Sa gabi kapag tulog na ang lahat, kunin natin ang pwede nating ibenta, mga hayop at halaman.
Nalaman ni Maria ang balak ng mga lalaki. Naging malalaking bato ang mga halaman, bunga at hayop na dala dala nila. Labis ang sama ng loob ni Maria.
Malupit ang mga tao. Mula ngayon ay hahayaan ko na lamang sila sa kanilang pamumuhay.