Sa lalawigan ng Laguna, naniniwala ang mga tao na sa bundok ng Makiling ay naninirahan ang isang magandanga diwatang nag ngangalang Mariang Makiling.
Ang mga bathalang ito raw ay mayroong magandang anak na dalaga na pinangalanan nilang Mariang Makiling. Dahil sa kanyang angking kagandahan at kabaitan, si Maria ay siyang tanging lakas at ligaya ng kanyang mga magulang.Ayon sa kwento ng mga matatanda, ang Laguna ay pinamumunuan ng dalawang bathala, sina Dayang Makiling at Gat Panahon.
Kaiba sa mga naunang mga bathala, si Mariang Makiling ay nagpapakita sa kanyang mga nasasakupan. Totoong napakabuti niya sa mga mamamayan doon. Ang bundok na kanyang tinatahanan, na sagana sa mga gulay at bungang-kahoy ay bukas para sa ibig mamitas doon. Pati na ang mga ibon at hayup sa gubat ay siyang paraiso ng mga mangangaso.
Karamihan sa kanilay di man lamang marunong tumanaw ng utang na loob. Walang patumangga nilang inabuso ang kagubatan ng bundok Makiling sa pagkakaingin at sa pagpatay nang walang habas sa mga ibon at hayup na naninirahan doon.
Sa anumang pagkakamali o pagsuway sa kanyang mga utos, pinadidilim niya ang kalangitan kaalinsabay ng dumaragundong na kulog at matatalim na kidlat at nagaalimpuyong bagyo.Dahil dito, nagalit si Mariang Makiling at pinagbawalan na ang taong mangaso o mamitas ng mga gulay at prutas sa naturang bundok.
Sa ngayon, ang tanging matatamis na alaala na lamang ng panahong si Mariang Makiling ay nagpapakita sa tao ang naiwan sa mga taumbayan ng Laguna.
Subalit may ilan pa rin ang nagsasabing, kapag kabilugan ng buwan, makikita raw ang isang napakagandang babaing may mahabat maitim na buhok at matamis na umaawit sa madawag na kagubatan ng bundok Makiling.