Sa isang syudad ay may naninirahang mayaman na pamilya, yun ay ang Pamilya Dela Cruz. Si Ali ang pinatatanging anak na lalaki nila Senyora Marie at Senyor Alfonso. Maagang pumanaw ang ina ni Ali kung kayat hindi na nito napag tuunan ng pansin ang kaniyang pag-aaral.
Bago pumanaw ang ina ay, nahabilin pa nito sa kaniyang anak na matutong mag sinop ng pera. Kung kaya lagi itong sinusunod ni Ali at lagi siyang masinop sa pag gamit ng pera.
Nang nagbinata na si Ali, lagi na nitong kasama ang kaniyang mga kaibigan, nagbibisyo at nag iinum. Hindi na nito pinagpatuloy ang kaniyang pag aaral
Laging nanghihingi ng pera si Ali sa kaniyang ama kahit na lubog na sa utang ang kanilang kompanya. Sa takot na umalis sa bahay ang anak, binibigyan nalang ni Senyor Alfonso ang kaniyang anak.
Inuubos ni Ali ang perang pinagtrabahoan ng kaniyang ama para sa kaniyang bisyo . Hindi niya iniisip ang maaring kahihinatnan ng kanilang kompanya o kung ano man ang mararamdaman ng kaniyang ama.
Hindi natuwa ang dyosa ng kayamanan sa kaniyang nasaksihan na inaabuso ni Ali ang kanyang ama at winawaldas nito ang perang kailanmay hindi niya pinaghirapan. Kung kaya't kaniya itong pinarusan.