Ang mga tao noon ay naninirahan sa kabila ng ulap.
Isang araw, ang kaisa-isang anak na babae ng Datu ay nagkasakit. Hindi mapalagay ang datu.
Ngayon din po, Mahal na Datu.
Tanod, may sakit ang anak ko. Humayo ka, papuntahin mo rito ang manggagamot!
Nang dumating ang manggagamot at ang tanod sa tahanan ng datu,
Magagawa ng manggagamot ang anuman na makagagaling sa kanya!
Pagkatapos ng pagsusuri, nagusap ang manggagamot at datu sa labas ng kubo. Tumawag din ng pulong ang datu.
Mga mamamayang nasasakupan ng aking bayan, makinig kayo sa akin. May sakit ang aking anak at ang tanging hinihingi ko ay ang inyong tulong. Sundin ninyo lahat ang tagubilin ng aking manggagamot, upang magbalik ang lakas ang aking anak.
Mga kababayan, dalhin ninyo ang may sakit sa malaking puno ng balete. Hukayin ninyo ang lupa na nakapaligid sa ugat.
Gagawin namin ang iyong pinaguutos alang-alang sa pagmamahal namin sa datu at ang kanyang anak.
Nagsimula nang kumilos ang mga tauhan ng datu. Pinunthan nila ang kinatatayuan ng puno ng balete.