Sa Bayang San Diego, Mabibilang lamang ang mga taong makapangyarihan at mahigpit sa agawan ng kapangyarihan. Hindi kasama Sina Don Rafael, Kapitan Tyago, at ilang namumuno sa pamahalaan dito.
Don Rafael
Ang posisyon sa pamahalan ay mabibili sa halagang P5,000 at madalas din ikinagagalit. Ang tila makapangyarihan sa San Diego ay si Padre Bernardo Salvi na isang paroko sa simbahan at ang batang opisyal na puno ng mga gwardiya sibil at pumalit kay Padre Damaso. Napangasawa niya si Donya Consolacion isang pilipina na mahilig magkolorete sa mukha
Sa dalawang kastila na nagaagawan ng kapangyarihan, sa publiko na lugar ay ipinakita ng dalawa ang kanilang pagkunwaring pagkasunduan.
Sa gabing yun may dumalaw na napakalakas na ulan at dalawang taong ang abalang-abala sa paghuhukay. Ang isa ay batikang Sepulturero at ang kanyang kasama ay baguhan pa lamang. Sinaway ng batikang Sepulturero ang kanyang kasama na nagrereklamo at tuloy padin ang pag huhukay hanggang makuha nilang ang bangkay.
Bakit ba natin toh ginagawa? kadiri naman
Wag kana puro reklamo, tulungan mo na lang ako dito!
Dalawampung araw pa lang ito naililibing mula nung namatay, sinusunod nila ang pinag-utos ni Padre Garrote na walang iba kundi si Padre Damaso.
Ayusin mo trabaho mo! pinapautos toh satin ni Padre Garrote
Sige po
Tila nililipat nila ang bangkay sa libingan ng mga instik pero dahil sa Mabigat na bangkay at malakas na ulan tinapon na lang nila ang bangkay sa lawa.