Nakasakay ang mga tao sa isang bapor tabo upang lumuwas sa maynila. Ang bapor tabo ay may dalawang kubyerta ito ay ang itaas na kubyerta at ang ibabang kubyerta. Maraming naganap dito habang sila ay nag iintay na makababa.
Aba! hindi ako makakapayag na singilin nila tayo ng tatlumpung piso napakalaki na nun!
Anak, pag pasensyahan muna isipin mo na lang kinain ng buwaya
Pinag-uusapan ni Kabesang Tales at Tata Selo ang tungkol sa pag singil ng buwis ng mga pari sa kanila. Simula ng umunlad ang kanilang sakahan ay ginigipit na sila ng mga pari.
Patawarin niyo po ako, maawa po kayo sa akin!
Gusto ko siyang tulungan kaso nakatataas talaga ang mga guwardiya sibil
Kahit humingi ng tawad ang kutsero dahil nalimutan niya ang kanyang sedula ay pinagbubugbog pa rin siya ng mga ito.
Iniisip ni Basilio lahat ng kanyang mga pinagdaanan bago siya makapag-aral. Naalala niya noong tinulungan siya ni Kapitan Tiago at naalala rin niya ang mga dinanas niyang panghuhusga noong siya ay nagsimula ng mag-aral
Ang dalawang pangarap ni Basilio ay una maging isang doktor at pangalawa ay mapakasalan si Juli.
Natakot bigla si Basilio ng may marinig siyang pagkaluskos at nagulat siya ng biglang lumabas si Simoun dahil akala niya siya lang mag-isa. Pagkakita ng dalawa sa isa't isa ay tinutukan ni Simoun si Basilio ng rebolber
Hindi kita papatayin Basilio hahayaan kitang mabuhay dahil pareho lang tayong lumaban ng walang kapagod pagod.
Ngunit hindi itinuloy ni Simoun ang pagpatay kay Basilio dahil sinabi niya na...
Ang pakay ni Simoun dito ay upang kumbinsihin si Basilio na maging kakampi niya dahil maraming rason si Basilio para mag higanti. Una ay noong nabaliw ang kaniyang ina at pangalawa ay noong pinatay ang kapatid niya na si Crispin.
Kapag po ba kumampi ako sa inyo mabubuhay ba ang aking ina at kapatid?
Bumalik ako sa bayang ito sa pagtawag ng bisyo ng mga namamahala, nagpanggap bilang isang komersyante, nabuksan ang pinto para sa mga ginto, ginto na talagang nasisilaw ang mga nakatataas
Hindi nakumbinsi ni Simoun si Basilio pero kahit ganoon ay hindi pa rin susuko si Simoun kay Basilio.