Mabuti naman po inay, Marami po akong natutunan tulad na lang po na tinalakay ng aking guro sa El Filibusterismo.
Anak, Kumusta ang iyong klase?
Ang aking napupusuan po na tauhan sa El filibusterismo ay si kabesang tales bilang ama dahil siya ay masipag, matiyaga at responsableng ama nagsusumikap siya upang mabuhay ng maayos ang kanyang pamilya at maganda ang pangarap niya para sa kanyang mga anak, lalo na kay juli gusto niya pag-aralin ang anak sa maynila kaya nagsipag siya mabuti.
Mabuti naman kung ganoon anak. Sino naman ang paboritong tauhan mo sa nasabi mong talakayan sa El Filibusterismo?
Marami po magandang kaganapan sa EL Filibusterismo at ang aking po natutunan ipaglaban ang ating mga karapatan ang mga nararapat sa kanilang sarili at sa kanilang bayan, huwag hayaang alipinin at abusuhin ng kanino man ang iyong karapatang mamuhay ng maayos at matiwasay.
Tama anak at isa pa Hindi nakakatulong ang paggamit ng dahas at paghihiganti upang ipaglaban ang adhikain. Sumunod sa batas at huwag ilagay sa kamay ang batas para parusahan ang mga nagkasala. Kahit ano mang poot o galit ang iyong nararamdaman, may batas na magpaparusa sa mga nagkasala dahil kapahamakan lamang ang dulot ng paghihiganti. Salamat sa isinulat na nobela ni rizal sapagkat maraming mga kabataan na katulad mo natuto kung ano ang inyong karapatan.