Attenzione: non registrare materiale protetto da copyright (musica di sottofondo, clip di film o programmi TV, ecc.)
Hindi po ganun yun Misis, hindi po porket naibigay ninyo sa kanya ang lahat e hindi na po siya makakaranas ng depression maaaring sa likod ng kanyang mga ngiti ay may tinatago pala syang problema
Maraming dahilan po kung bakit dumaranas ang isang tao ng depression maaaring iniwan ng taong malapit sa kanya o di naman kaya problema sa pamilya kahit sino po ay maaaring makaranas ng depression mayaman o mahirap, bata man o matanda
Ma, may depression po yata ako. Meron ka po bang kilala na psychologist?
Ayan ka na naman Kyle! Ano bang nangyayari sa'yo? Ang arte-arte mo!
Sa susunod wag mo akong idamay sa kadramahan mo! Hala sige pasok, bilis!
Sorry po, ma.
Magandang umaga po, Misis. Ano po bang maitutulong ko sa inyo?
Eto po kasing anak ko Dok, ang arte-arte! Depressed daw siya. Eh wala naman siyang problema sa buhay.
Ma'am, maling-mali po ang pagtrato niyo sa anak niyo. Lubos akong nananalig na may mga dahilan siya kung bakit depressed siya.
Ano ba 'yang mga dahilan na iyan? Eh may natitirahan naman po siya, may magulang, may makakain araw-araw, may selpon, Lahat naman binigay na namin sa kanya.
Higit na kailangan ng inyo pong anak ang suporta at pagmamahal ng isang pamilya kaya dapat po natin silang kumustahin palagi at pakinggan
Tama po kayo Dok pagmamahal at pag-unawa at kailangan ng aking anak. Salamat po hayaan ninyo at susundin ko po ang inyong payo.
Maraming salamat po Dok simula po ngayon hindi na po ko maglilihim kay Mama