Search
  • Search
  • My Storyboards

ANG ALAMAT NG SAMPAGUITA

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
ANG ALAMAT NG SAMPAGUITA
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • May isang magandang halamanan sa Eden. Sari-saring uri ng halaman ang makikita dito. Bawa’t bulaklak dito ay may angking bango at kagandahan. Sa kabila nito ay mayroong namumukod sa lahat. Wala itong bango at salat pa sa ganda. Ito ang sampaguita.
  • Tampulan ng tukso ang sampaguita dahil sa wala raw itong silbi, walang bulaklak na magbibigay kulay sa kanya. Iyong bulaklak na may bango.
  • Hoy, Sampaguita! Hindi ka nababagay dito. Ang pangit-pangit mo. Tingnan mo ako, marami ang nawiwili sa akin dahil sa aking kagandahan at kulay. Nakakapawi ako ng kalungkutan. Ang pagsigaw na tukso ni Gumamela.
  • “At ako, ako ang simbolo ng pag-ibig. Ako ang pang-aliw sa mga may tampo o galit. Inihahandog din ako sa mga may karamdaman upang kahit paano ay maisan ang kanilang paghihirap.” Wika ng Rosas.
  • “Ako ang amuyin mo, sa bango at sarap ng aking samyo, ako ang iniaalay sa Mahal na Birhen kung Santa Krusan. Ginagawa rin akong magandang kuwintas para sa ina ng Laging Saklolo. Madalas na ako ay hagkan ng mga tao,” sabi ni Maligwas. 
  • Dahil sa mga narinig ay lalong nalungkot ang sampaguita. Labis niyang kinahabagan ang sarili. Umiiyak siya nang lumapit ang matandang tagapag alaga ng halaman.
  • “Bakit ka lumuluha, halamang Sampaguita?”
  • “Huwag mo siyang pansinin,, Halika rito sa ilalim ko at walisin mo ang aking mga dahong tuyo. Kailangang malinis ako palagi upang lumapit sa akin ang mga tao.”
  • Hindi umimik ang sampagita. Iniyuko lamang niya ang kanyang puno.
  • Pagkumpas ng Diyosa sa hawak niyang mahiwagang patpat, sumabog ang mumunting bituin sa dulo nito. Bawa’t bituin ay dumikit sa puno ni Sampaguita at naging bulaklak ng Sampaguita, maputi at walang kasimbango.
  • . “Ako ang Diyosa ng mga bulaklak. Huwag kang manimdim, dahil sa iyong kababaang-loob ay pagkakalooban kita ng mga bulaklak na walang makakatulad sa bango at ganda..”
  • Mula noon ay natigil sa pang-aapi ang mga kapwa niya halaman at siya ay naging maligayang-maligaya na.Sa kasalukuyang panahon, ang Sampaguita ay ginagamit na sa halos lahat ng okasyon at dahil sa kanyang walang katulad na kabanguhan, ang Sampaguita ang tinaguriang pambansang bulaklak ng Pilipinas
Over 30 Million Storyboards Created