Magandang umaga po naman. Ano ang maipaglilingkod ko sa kanila?
E, ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong paaralan.
Katatapos po lamang niya ng elementarya sa aming nayon noong nakaraang Marso.
A, opo. Sa ano pong baitang?
Ngunit..ibig ko po sanang malaman kung maaaring ang kunin na lamang niya ay isang maikli-ikling kurso ukol sa tanging karunungan upang siya'y makatapos agad, maaari po ba?
Kung gayon po ay sa unang taon ng haiskul, ano po?
Ngunit..ibig ko po sanang malaman kung maaaring ang kunin na lamang niya ay isang maikli-ikling kurso ukol sa tanging karunungan upang siya'y makatapos agad, maaari po ba?
Kung nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na punong akasya,gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.
Aba opo. Maaaring ang lalong pinakamaikling kurso ang kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gusto ninyong kalabasan.
Dili di natubigan si Mang Simon sa huling pangugusap ng punong guro. Gayundin si Iloy. Pagkuwan ay nagbulungan ang mag-ama.
Kung nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na punong akasya,gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.
Aba opo. Maaaring ang lalong pinakamaikling kurso ang kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gusto ninyong kalabasan.
At...umuwi nang nag-iisa si Mang Simon. Habang naglalakbay na patungong lalawigan ay tatambis-tambis sa sarili.
A, mabuti na nga ang kunin niyang buo ang kurso sa haiskul at saka na siya kumarera. Higit na magiging mayabong ang kaniyang kinabukasan.