Si Don Rafael ay siyang pinakamayaman sa buong lalawigan.  Bagamat siya ay iginagalang, may ilan din namang naiinggit. 
Ayan ba ang dalihan ng  kaniyang pagkabilanggo?
Naglalakad si Ibarra hanggang sa nakarating siya sa may Liwasan ng Binundok. Biglang naramdaman niyang may dumantay na kamay sa kanyang balikat. Si Tinyente Guevarra, nasumunod sa kanya upang paalalahanan na mag-ingat din sapagkat nangangambasiyang baka matulad siya sa sinapit ng kanyang ama.
Si Don Rafael ay maraming mga kagalit na mga Kastila at pari.
 Nakiusap si Ibarra na isalaysay ng Tinyente ang tungkol sa buhay ng kanyang ama sapagkat tunay na wala siyang nalalaman dito.
Tenyente, maari ko bang malaman ang totoong nangyari?
Nabilanggo si Don Rafael dahil sa pagkakaroon ng mga lihim na kaaway.  Pinagbintangan pa siya ang pumatay sa isang mangmang at malupit na artilyerong naniningil ng buwis ng mga sasakyan.  Pero hindi naman totoo.
Sinabi ni Ibarra na sumulat and kanyang ama sa kanya may isang taon na ang nakakalipas. Nagbilin si Don Rafael na huwag nitong ikagugulat kung sakali mang hindi siya makasulat sapagkat lubha siyang abala sa kanyang mga gawain.
Dahil dito, nabilanggo di Don Rafael. Pinagbintangan siyang erehe at pilibustero. Masakit sa kanya ang ganito sapagkat iyon ang itinuturing na pinakamabigat na parusa.
Ilang buwan pa lamang nakakaalis sa Pilpinas si Ibarra, si Don Rafael at Pari Damaso ay nagkasira. Diumano, di nangungumpisal si Don Rafael.
Pero, lalong nadagdagan ang bigat sa kanyang dibdib. Pinaratangan din daw si Don Rafael na nagbabasa ng mga ipinagbabawal na aklat (El Correo de Ultramar) at diyaryo, nagtatago ng larawan ng paring binitay, isinakdal sa salang pangangamkam ng lupain at nagbibigay ng tulong sa mga tulisan.
Gumawa siya (ang Tinyente) ng paraan para tulungan si Don Rafael at sumumpang ito ay marangal na tao. Katunayan, siya ay kumuha ng isang abugadong Pilipino na si G.A. at G.M. Ito ay pagkaraang lumitaw sa pagsusuri na ang ikinamatay ng artilyero ay nag pamumuo ng dugo sa ulo nito.