Search
  • Search
  • My Storyboards

Aubrey

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
Aubrey
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Isang matirik na hapon ng isubsob ng isang aninong puno ng pagod sa pag lakad-takbo habang tinitiis ang pagkangalay ng mga kamay na bumibitbit sa konting butil ng bigas at ilang gamot at nakikipaghabulan sa oras upang hindi maabotan sa papalubog na araw.
  • May bahid ng ngiti ang mga salitang binitiwan ng kanyang kuya Lito isang hapon noon habang kausap nito ang kanilang ama na nakaratay sa kamangyari sa kawayan.
  • "Kaunting panahon na lamang at hindi na tayo magdaranas ng paglulukot ng tiyan at muling manunumbalik ang iyong lakas, Itay."
  • "Sana nga anak, harinawa nga."
  • Isang araw pa bago mag-anihan. Taliwas sa mga pangyayari ay umusbong ang panganib sa kabukiran. Ilang sandali'y narinig nila ang mga yabag ng papalapit na mga paa na aali-aligid sa kanilang kubo. Tumaas ang kilay ng kanyang kuya Lito sabay hablot sa tabak na nakasabit sa may haligi ng dingding.
  • "Pinalalayas na kayo ni Don Miguel, tapos na ang inyong palabas."
  • "Hindi kami makapapayag, ang lupang ito ay sa amin, minana pa ng aking ama sa aming mga ninuno. Hindi kami aalis dito, magkakamatayan na tayo".
  • "Huwag kayong lalabas, ako ang bahala”
  • Umalingawngaw ang nakatutulig na mga putok, at sinundan ng iba pa. Kitang-kita niya ang kanyang kuya Lito na tila ibong nabalian ng mga bagwis matapos bistayin ng pulbura ay agaw hiningang bumubulusok.
  • Namasdan niya ang dugong umaagos sa katawan ng kaisa-isa niyang kapatid. Ang kirot na nadarama ng kanyang kuya Lito ay dama niyang dumampi sa hapis na katawan ng kanyang murang isipan.
  • Tatlong araw na ang nakararaan matapos tabunan ng lupang putikan ang bangkay ng kanyang kapatid ay hindi pa rin mahugot ang nasa itaas habang silang nasa ibaba ay dumaraing. Pagkatapos ng mangyari umuwi siya sa kanilang tahanan na mabigat ang puso. Naputol ang kanyang pag-alala sa nakaraan ng sapitin niya ang kanilang tahanan at makaulinig ng pabugsu-bugsong pag-ubo bago pumasok ng kanilang kubo. kinausap siya ng kaniyang ama na nanghihina at hinahabol ang hininga
  • "Huwag ka sanang mawawalan ng pag-asa, alalahanin mong ang tao ay nabubuhay sa daigdig ng pakikibaka. Ang gabi'y hindi mananatiling madilim sapagkat ito ay may kinabukasan, at pagbubukang liwayway, magiging maliwanag ang kapaligiran."
  • "Anak, hindi na ako magtatagal. Simulang pagkabata ay hinangad namin ng iyong ina ang magandang kinabukasan ninyong magkapatid subalit ipinagkait ng tadhana sa atin. Wala tayong salapi at ang tanging maipamamana namin ay ang natitirang kapirasong lupang ito."
  • Kinabukasan ay di maalis ang pagkakapako ng kanyang paningin sa gilid ngkanilang kubo na kinaroroonan ng lumang araro. Lumapit siya at hinawakan ito,papahigpit ng papahigpit. Nagtatagis ang kanyang mga bagang. Ang nasasaisip niya'y darating din ang panahong siya ay lalaki at gagamitin ang ararong yaon. Sasapit din ang panahong siya'y magiging isang ama. Pumailanlang sa kanyang balintataw ang mga katagang ibinulong sa kanya ng ama hanggang sa huling sandali.
  • "Anak, lagi mong tatandaan na ang nabubuhay ng walang pagtitiis sa daigdig atnagpapagapi sa maling daloy ng takbo ng panahon ay tulad sa isang lupangnakatiwangwang at walang pataba, tubuan man ng halaman, ang dahon ay nalalanta atkung mapilitan namang mamulaklak ay naluluoy ang bunga at bumabagsak sa lupa."
Over 30 Million Storyboards Created