Isang paruparo na may katandaan,
Sa lakad sa mundo ay sanay na sanay;
Palibhasa’y di nasisilaw sa ilaw
Binigyan ang anak ng ganitong aral:
Ang ilaw na iyang maganda sa mata
Na may liwanag nang kahali-halina
Dapat mong layuan, iyo’y palamara,
Pinapatay bawat malapit sa kaniya.
“Ako na rin itong sa pagiging sabik!
Pinangahasan kong sa kaniya’y lumapit,
ang aking napala’y palad ko pang tikis
nasunog ang aking pakpak na lumiit.”
“At kung ako’y itong nahambing sa iba
na di nagkaisip na layuan siya,
disin ako ngayo’y katulad na nila,
nawalan ng buhay at isang patay na.”
Ang pinangaralang anak ay natakot
at pinangako ang kaniyang pagsunod;
ngunit sandali lang. Sa sariling loob
ibinulong-bulong ang ganitong kutob;
“Bakit gayon na lang kahigpit ang bilin
ng ina ko upang lumayo sa ningning?
Diwa’y ibig niyang ikait sa akin
ang sa buong mundo’y ilaw na pang-aliw.”
“Anong pagkaganda ng kaliwanagan!
isang bagay na hindi dapat layuan,
itong matanda ay totoo nga namang
sukdulan ng lahat nitong karuwagan!”
“Akala’y isa nang elepanteng ganid
ang alin mang langaw na lubhang maliit,
at kung ang paningin nila ang manaig
magiging higante ang unanong paslit.”
“Kung ako’y lumapit na nananagano
ay ano ang sama ng mapapala ko?
Kahit na nga niya murahin pa ako
ay sa hindi naman hangal na totoo.”
“Iyang mga iba’y bibigyan ng matwid
sa kanilang gawa ang aking paglapit,
sa pananakali’y di magsisigasig
sa nagniningningang ilaw na marikit.”
Nang unang sandaliy’ walang naramdaman
kundi munting init na wari’y pambuhay,
ito’y siyang nagpapabuyo pang tunay
upang magtiwala’t lumapit sa ilaw.
Storyboard Text
Slide: 1
Isang paruparo na may katandaan,Sa lakad ng mundo ay sanay na sanay;Palibhasa'y di nasisilaw sa ilawBinigyan ang anak ng gintog aral
Slide: 2
Ang ilaw na iyang maganda sa mataNa may liwanag nang kahali-halinaDapat mong layuan, iyo'y palamaraPinapatay bawat malapit sa kaniya.
Ako na rin itong sa pagiging sabik!Pinangahasan kong sa kaniya’y lumapit,ang aking napala’y palad ko pang tikisnasunog ang aking pakpak na lumiit.
Slide: 3
At kung ako’y itong nahambing sa ibana di nagkaisip na layuan siya,disin ako ngayo’y katulad na nila,nawalan ng buhay at isang patay na.
Ang pinangaralang anak ay natakotat pinangako ang kaniyang pagsunod;ngunit sandali lang. Sa sariling loobibinulong-bulong ang ganitong kutob;
Slide: 4
Bakit gayon na lang kahigpit ang bilinng ina ko upang lumayo sa ningning?Diwa’y ibig niyang ikait sa akinang sa buong mundo’y ilaw na pang-aliw.
Anong pagkaganda ng kaliwanagan!isang bagay na hindi dapat layuan,itong matanda ay totoo nga namangsukdulan ng lahat nitong karuwagan!Wika ng batang paruparo.
Slide: 5
Akala’y isa nang elepanteng ganidang alin mang langaw na lubhang maliit,at kung ang paningin nila ang manaigmagiging higante ang unanong paslit.
“Kung ako’y lumapit na nananaganoay ano ang sama ng mapapala ko?Kahit na nga niya murahin pa akoay sa hindi naman hangal na totoo.”Wika ng batang paruparo.
Slide: 6
Iyang mga iba’y bibigyan ng matwidsa kanilang gawa ang aking paglapit,sa pananakali’y di magsisigasigsa nagniningningang ilaw na marikit.
Nang unang sandaliy’ walang naramdamankundi munting init na wari’y pambuhay,ito’y siyang nagpapabuyo pang tunayupang magtiwala’t lumapit sa ilaw.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!