ANAK, MADAMI PANG PARAAN UPANG KUMITA NG PERA, HINDI LAMANG PANGNANAKAW ANG PARAAN. NGAYON, IBALIK MO ANG PERA SA MAY NAGMAMAY-ARI NIYAN.
NAIINTINDIHAN KO PO, INAY...
*KATOK SA PINTO*
KAYA'T PUMUNTA ANG BATA SA BAHAY NG MAYAMAN UPANG IBALIK ANG BAGAY NA HINDI SA KANYA.
IJO, LAHAT TAYO'Y NAGKAKAMALI. DATI AY GIPIT DIN AKO SA PERA, KAYA AKO'Y NANGNANAKAW. PERO NGAYON AY MAY SARILI NA AKONG NEGOSYO.
PINAPATAWAD NA KITA, IJO. DAHIL DYAN AY INIIMBITA KITA NA MAGTRABAHO BILANG ISANG TRABAHADOR SA AKING NEGOSYO.
MAGANDANG ARAW PO. PUMUNTA PO AKO DITO PARA IBALIK ANG PERA NIYO. PASENSYA NA PO, GIPIT LANG PO TALAGA KAMI SA PERA.
AY TALAGA BA, IJO? AKO NA ANG MAGBABAYAD SA IYONG PAG-AARAL AT IKAW NA ANG BAHALA SA PAGPAPAGAMOT NG IYONG NANAY.
TALAGA PO BA? KUNG GANON PO'Y KUKUNIN KO PO ANG INYONG ALOK PARA PO SA PAGPAPAGALING NG AKING NANAY AT PARA NA DIN PO SA AKING PAG-AARAL.
SALAMAT PO AT PAGPALAIN PO KAYO NG DIYOS!
ILANG TAON ANG LUMIPAS AT NAGKASARILING NEGOSYO DIN ANG BINATA. DAHIL SA TULONG NA IBINIGAY NG MAYAMAN, IBINALIK NIYA ANG KABUTIHAN SA PAMAMAGITAN NG PAGBIBIGAY NG LIBRENG PAG-AARAL SA MGA BATA.
BINIGYAN NIYA DIN NG TRABAHO ANG MGA NAHIHIRAPAN SA PERA. HABANG ANG NANAY NIYA AT ANG MAYAMAN AY IPINAGMAMALAKI ANG KANILANG ANAK AT LINGKOD.