Mongheng Mohametano sa Kaniyang Pag-iisaMula sa mga Anekdota ni Saadi Persiani Idries ShahIsinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Isang araw, may isang Mongheng Mohametano na nag-iisang namamanata sa disyerto.
Sa kabilang banda, may isang Sultan naman na namamaybay sa kaniyang ruta, at nagmamasid sa kaniyang mga nasasakupan
Nakita niya na hindi nagtaas ng kaniyang ulo angMongheng Mohametano habang dumadaan siya, kaya naman nagalit ito at sinabing...
Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tuladsiya nghayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang loob.
Kung kaya’t ang vizier o ministro ay nagwika...
Mongheng Mahametano! Ang Sultan ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit di mo siya binigyan ng kaukulang paggalang?
Hayaan mong ang Sultan ang magbigay ngpaggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang magandang gawa. Sabihin mo sakaniya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha angmamamayan para paglingkuran ang Sultan.