Search
  • Search
  • My Storyboards

Ang Alamat ng Saging

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
Ang Alamat ng Saging
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Noong unang panahon ay may isang napakagandang prinsesa, kaya siya ay tinawag na Mariang Maganda.
  • "Bakit hindi?" ang natigilang pagtatanong ni Mariang Maganda habang pinagmamasdan ang malungkot na mukha ng prinsipeng kanyang iniibig.
  • "Bakit, saan ba ang iyong kaharian?" malambing na tugon ng prinsesa.
  • Ang kanilang kaharian ay malapit sa isang maliit na gubat na kung saan ay malayang nakakapamasyal ang mayuming kagandahan. Ang gubat ay puno ng iba't ibang magaganda, makukulay, at mababangong mga halamang namumulaklak.
  • "Hindi maipagkakailang maganda ang bulaklak ng halamang ito Mariang Maganda, ngunit higit na mas maganda at mabango ang mga halaman at bulaklak sa aming kaharian." sambit ng prinsipe habang hinahaplos ang pisngi ng iniirog.
  • "Ang aming kaharian ay hindi kayang marating ng taong may katawang lupa." ang mahiwagang pagsagot ng prinsipeng tila ba mag agam-agam.
  • "Kailangan ko ng bumalik sa aming kaharian dahil kung hindi ay hindi na tayo muling magkikita pa. Nais sana kitang isama subalit hindi talaga maari ang mga kagaya ninyo sa aming kaharian. Paalam na irog."
  • Ang kanilang kaharian ay malapit sa isang maliit na gubat na kung saan ay malayang nakakapamasyal ang mayuming kagandahan. Ang gubat ay puno ng iba't ibang magaganda, makukulay, at mababangong mga halamang namumulaklak.
  • Nagpakilala ang binata bilang isang prinsipe ng isang malayo at kaibang kaharian. Araw-araw nagkita at nagkasama ang dalawa sa kagubatan hanggang sa magtapat ang prinsipe sa dalaga ng kanyang pag-ibig na malugod namang tinanggap ng prinsesa dahil sa parehas nitong nararamdaman.
  • "Nais ko sanang magkita tayong muli dito sa halamanang ito mamayang gabi. Hihintayin kita." pagtangis ng prinsesang nalulungkot sa paglisan ng kanyang minamahal.
  • Habang sila ay magkasamang namamsyal sa kagubatan ay nagpasya silang magulayaw sa ilalim ng mabangong halaman na madalas ipagmalaaki ng prinsesa.
  • "Sisikapin ko, irog." pangako ng prinsipe kay Mariang maganda.
  • Nang gabi ngang iyon ay hinintay ni Mariang Maganda ang kanyang iniirog. Bago pa man maghatinggabi ay dumating nga ang prinsipe at lubos na nalugod ang nag-aalalang prinsesa. Magkahawak kamay silang namasyal sa gubat ng magagandang halaman na ang buwan at mga bituin ang tumatanglaw sa kanilang dinadaanan. Kung anu ano ang kanilang pinag-usapan hanggang sa bigla na lang napabalikwas ang prinsipe na tila ba may ttumawag sa kanya.
Over 30 Million Storyboards Created