Search
  • Search
  • My Storyboards

Filipino PT- Comic strip- Dongel

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
Filipino PT- Comic strip- Dongel
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Maaari po ba kitang matulungan, Ginoo?
  • Paalis na ng gubat si Basilio nang makarinig siya ng kaluskos ng mga dahon at yabag ng mga paang papalapit sa kanyang direksiyon. Nagtago ito at  natanaw niya ang isang anino ng lalaki, tinanggal nito ang kanyang salamin at nagsimulang maghukay. Habang tinatanaw ni Basilio si Simoun ay naalala niya na siya ang tumulong sa paglilibing ng kanyang ina at Elias kaya naman nilapitan niya ito para tumulong.
  • Ako po si Basilio. Naaalala ko pa nang ating inilibing ang aking ina sa pook ding ito labing tatlong taon na ang nakalipas.
  • Sino ka? Kilala mo ako?
  • Nagpakilala si Basilio at sinabing tinulungan siya nito na ilibing ang bangkay ng kanyang ina at ni Elias. Binalak na patayin ni Simoun si Basilio ngunit hindi niya ito itinuloy dahil alam niya na pareho lamang sila ng ninanais, ang makapaghiganti.
  • Ang mga hiling na ito ay magpapawi sa kanilang pagkamamamayan at magpapanalo sa mga naniniil.
  • Hiling ko po sana na gawing lalawigan  ng Espanya ang Pilipinas at bigyan ng pantay-pantay na karapatan ang mga Pilipino at Kastila.
  • Ipinagtapat ni Simoun kay Basilio ang kaniyang ginawa sa loob ng paaralan ng wikang Kastila.
  • Hindi po,  ang Kastila ang mismong magbubuklod sa mga pulo at dahil sa Kastila ay mapapalapit tayong mga Pilipino sa pamahalaan.
  • Mga kabataan na walang karanasan mapangarapin. Hinihingi ninyo ang wikang Kastila, ngunit ano'ng magiging hangarin ninyo? Ano ang inyong mapapala sa pagdagdag ng isa pang wika? Upang mas lalo kayong hindi magkaintindihan? 
  • Dagdag pa niya, ang pagdadagdag ng isa pang wika ay hahantong sa di pagkakaunawaan. Taliwas naman ang paniniwala ni Basilio.
  • Hindi totoo iyan dahil kailanman ay hindi magiging unibersal na wika ang Kastila dahil ang bawat bayan ay may kanya-kanyang diyalekto na iniuugnay sa sarili nitong damdamin at kaugalian.
  • Alam mo, isang malaking pagkakamali ang gagawin ninyo tungkol sa wikang kastila. Lalo lang kayong magiging alipin. Sa halip ay tulungan mo ako sa aking plano. Gamitin  mo ang iyong lakas sa kabataan upang sumali sa paghihimagsik laban sa  pamahalaan ng mga Kastila.
  • Ginoo, isang napakalaking karangalan po para sa akin ang mapagtapatan ng inyong mga balak, ngunit hindi ko magagawang gampanan ang inyong ninanais dahil naniniwala po akong walang katapusan ang karunungan ng tao. Ang tanging hangarin ko lamang ay gamutin ang mga sakit o karamdaman ng aking mga kababayan.
Over 30 Million Storyboards Created