Magandang umaga mga bata! Tatalakayin natin ngayon ang apat na makrong kasanayan.
Alam niyo ba kung ano ang apat na makrong kasanayan?
Ako po guro! Ito po ay ang pagsulat, pagbasa, pakikinig at pagsasalita.
Tama Ana! Maaari ba kayong maglahad ng sitwasyon na nalilinang ang mga ito?
Ang pakikinig at pakikilahok po namin sa inyong klase guro!
Magaling Berto! Lagi natin itong linangin sapagkat mahalaga ito upang magkaroon tayo ng epektibong komunikasyon.
Ang pagbabasa at pagsusulat din po ng inyong tinatalakay ay isang halimbawa guro.
Pakikinig ang pinakapundasyon ng lahat ng makro. Ang pagsulat naman ang bunga ng pakikinig, pagsasalita at pagbasa. Ang pagsasalita ay naiimpluwensyahan ng pakikinig . Samantala, ang pagbasa naman ay pormal na natututunan sa pag-aaral.