Si G. Simoun! Ngunit anong ginagawa niya dito sa libingan ng aking ina?
May maitutulong po ba ako sa inyo, G. Simoun?
Kung inyo pong magugunita, sa mismong pook ding ito tayo nagtagpo may labing tatlong taon na ang nakakaraan. Kayo po ang naghandog sa akin ng isang pakikiramay, at kung hindi ako nagkakamali, kayo si Crisostomo Ibarra. Si G. Ibarra, na sa pagkakaalam ng lahat ay patay na!
Anong ginagawa mo sa gubat na ito?
Kung gayon ay nagkamali pala ako ng pagkakakilala sa inyo.
Walang ibang nakakaalam nito maliban sa ating dalawa. At kung mawawala ka sa aking landas ay mananatili itong isang lihim. Madaling palabasin na napatay ka ng mga tulisan sa loob ng gubat na ito.
Hindi G. Simoun! Kung hindi dahil sa pag-aaral ng mga kabataan ng wikang Kastila ay hindi tayo pakikinggan ng pamahalaan. At ang wikang ito ang magbubuklod ng tuluyan sa mga Pilipino.
Totoong ako’y naparito may labing tatlong taon na ang nakakaraan, upang dakilain ang isang kaibigan na inilaan ang buhay para ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino laban sa mga mapang-api. Hindi ko akalaing ang lason na naiwan ay lubusan ng kumalat sa lipunan! At ang mga kabataang wala ng ginawa kundi sumunod! 
G. Simoun, mali ang inyong iniisip.
Hindi kailanman ito magiging wikang pambansa! Aanhin natin ang wikang ito? Itatago lamang ng huwad na wiakng ito ang ating mga karapatan! Ang ating mga pagkatao!
Over 30 Million Storyboards Created
We use cookies to ensure you get the best experience. Privacy Policy