Mayroong isang bulaklak na ang ngalan ay Kampupot na kinahumalingan ng isang Paru-Paro at isang Buboyog. Lumaki ang Paru-Paro sa halamang na si Kampupot kaya ito ang naging unang pag-ibig niya. Si Kampupot din ang unang bulaklak na nilamitan ni Bubuyog kaya ito"y naging unang pag-ibig din niya. Isang araw hindi na makita ng dalawa si Kampupot at nagkaroon ng Balagtasan sa may hardin,naglaban sila kung sino nga ba ang dapat piliin ni Kampupot
BULAKLAK NG LAHING KALINIS-LINISANni Jose Corazon de Jesus
Yamang ako'y siyang haring inihalal, Binubuksan ko na itong Balagtasan, Lahat ng makata'y inaanyayahang sa gawang patula ay makipaglaban.Ang makasasali'y batikang makata,
At ang bibigkasi'y magagandang tula,Magagandang kumilos,may gata sa dila at kung hindi ay mapapahiya.
At sa gabing ito'y sa harap ng bayan Binubuksan ko na itong Balagtasan saka ang ibig dito'y pag-usapan: BULAKLAK NG LAHING KALINIS-LINISAN
Sa ulilang harding pinanggalingan ko laon nang panahon nagtampo ang bango, Ngunit aywan baga't sa sandaling ito ay may kabanguhang binububuhay ako. Bunying lakandiwa,dakilang gatpayo, yaring kasawiay pagpayuhan ninyo upang matunton ang naglahong bango
magandang gabi sa kanilang lahat, Mga nalilimping kawal ni balagtas, Ako'y Paruparong may itim na pakpak at nagbabalita ng masamang oras.Nananawagan po, bunying lakandiwa, Ang uod na dating ngayo'y nagmakata, naging paruparo saq gitna ng tula at sa isang bulaklak ang pinipithaya.