Nakita ni Basilio si Juanito Pelaez na kasama ng isang babaeng nakadamit pangkasal.
Si Paulita! Ano na kaya ang nangyari kay Isagani?
Pagkatapos ay nakita ni Basilio lumabas si Simoun ng bahay na hawak-hawak ang lamparang nakabalot, sumakay sa isang sasakyan at sumunod sa bagong kasal.
Siya si Sinong, ang kutserong binugbog ng mga sibil at ang nagbalita kay Basilio sa mga nangyari sa Tiyani.
Kinilalang mabuti ni Basilio ang kutsero upang hindi siya maligaw sa pagsunod. Nagulat siya ng mamukhaan niya ang kutsero.
Sa dating bahay ni Kapitan Tiago ginanap pista at napakalaki ang ikinaganda ng tahanan dahil kay Don Timoteo Pelaez at napapaligiran ng salamin at karpet ang bulwagan.
Ang pinggan ni Juanito'y may tandang kumpol ng rosas at ang kay Pualita'y naman ay mga bulaklak ng suha at asusena.
Ang kainan ay napapalamutian ng mga bulaklak. Ang lamesa sa gitna ay pantatlumpo-kataong mesa at sa paligid ay mga kumpol ng bulaklak.
Pitong pangkain lamang ang nasa mesa, pawang pinong tela, at pinakamamahalin na alak.
Ang mesa naman ng mga diyos-diyosan ay nasa gitna ng balkonahe sa isang kubo.
Over 30 Million Storyboards Created
We use cookies to ensure you get the best experience. Privacy Policy