Marami ng batang nahihirapan dito sa online class. Isa na ako doon. Hindi ako masyadong nakakapokus. Nakakamiss bumalik sa eskwelahan...
Tapos na pala ang klase mo. Halika muna dito at magmeryenda ka dahil alam kong nakakapagod ang maghapong nakababad sa gadget.
Salamat po, Nay! Sa sala ko na po kainin para manuod din ako ng balita.
Magandang araw! Ito ang Balitang Totoo.
Ayon sa DepEd, maaari nang bumalik sa paaralan ang mga estudyante dahil ilan sa mga ito ay nahihirapan. Kailangan parin nating sundin ang mga protocol. Salamat po!
Oo nga po, Nay! Mas makakapokus na ako sa klase at mas maiintindihan ko na ang leksyon namin.
Mabuti naman at pwede na kayong bumalik sa face-to-face.
Balik lang po ako sa kwarto ko, Nay para sagutan ko yung modyuls ko.
Sige, anak! Ihanda mo na ang iyong sarili dahil alam kong nasasabik ka na makabalik sa paaralan.
Sa wakas, makakabalik na kami sa face-to-face. Handang handa na ako dahil isa akong estudyante na kayang lagpasan ang lahat para lang makapag-aral.