Isinilang si Francisco Balagtas noong ika-2 ng Abril 1788 sa Bulacan. Mahirap lamang ang pamilya niya. Si Juan Balagtas at Juana dela Cruz ang kanyang mga magulang.
Bata palang si Balagtas ay kinakitaan na siya ng talino at hilig sa pag-aaral.
Dahil sa kahirapan, nanilbihan si Balagtas kay Donya Trinidad kapalit ng pagpapaaral nito sa kanya.
Pinag-aral si Balagtas sa Colegio de San Jose kung saan nakatapos siya ng Gramatica Castellana, Gramatica Latina, Geografia y Fisica, at Doctrina Cristiana. Ang mga karunungang kailangan para makapag-aral sa Canones.
Nag-aral din si Balagtas sa San Juan De Latran kung saan nakatapos siya ng Humanidades, Teologia, at Filosofia. Dito nya rin naging guro si Padre Marina, ang nagsulat ng Pasyon.
Naging bukambibig ang pangalan ni Kiko sa larangan ng pagbigkas ng tula. Madalas siyang maanyayahan sa iba't ibang pagdiriwang upang bumigkas ng tula.