Nagsimula ang nobela sa pag-uusap ng mag-amang Rafael Cuevasat Don Benito ukol sa nalalapit na kasal ni Rafael kay Margarita. Niyaya niNick si Rafael para pumunta sa isang bar dahil bibigyan nila si Rafael ng isangstag party sapagkat malapit na itong ikasal. Ngunit nagkainitan ang grupo nilaRafael at ilang mga kalalakihan sa bar dahil daw sa pambabastos ni Nick saisang hostes, hanggang sa dumating ang mga pulis at naisipang tumakas ni Rafaeldahil ayaw nitong masira ang apelyido niya. Paglabas niya sa kusina ng bar aynakita niyang nasundan na pala siya ng isang pulis. Sumakay si Rafael sa isangtaxi upang iligaw ang bumubuntot na pulis.
Habang tinatakasan pa rin ang humahabol sa kanya, nakarating si Rafael sa isang dipamilyar na lugar. Umakyat siya sa bahayna yero at doo’y nakita niya ang isang dalaga, at ito’y mag-isa na lamang.Hindi na nito napigilan ang sarili dahil sa sobrang kalasingan atpinagsamantalahan na niya ang kaawaawang dalaga. Bago lisanin ni Rafael angbahay, naisip niyang bulag pala ang babae na siyang kinaluwag ng loob niyasapagkat ligtas siya—paano nga naman kasi siya maisusumbong ng isang babaeng dinaman nakakakita?
Muling pinuntahan ni Rafael ang bahay na yero upang tingnan kung ano na ang lagay ng babaeng bulag. Nakausap niya ang babae at nabighani siya sa angking kagandahan nito. Naisip ni Rafael na bigyan na lang niya ang babaeng kanyang pinagsamantalahan ng 50,000 bilang panghugasng kasalanan sa kanyang ginawa. Pinuntahan niyang muli ang bahay at kaniyangipinaabot sa isang bata ang pera kasama ang isang liham na nagsasabing siya ang nanggahasa.
Isang araw ay biglang napatawag sa kanya si Aling Sela at ibinalita nitong nanganak na raw si Ligaya. Bigla-bigla namangpumunta sa bahay nila si Rafael para makita ang anak nito. Nang makita niya angkanyang anak, naisip niyang ito na lang ang nakapag-aalis ng bigat ng problemanilang mag-asawa. Nalaman niya kay Ligaya na isinunod sa kanya ang pangalan ngsanggol—Rafael—nang dahil na rin sa laki ng naitulong niya kina Ligaya. Ngunit hindi lang ito, inaya rin siyang mag-ninong sa bata—ninong ng batang anak niya mismo!
Nagkaroon ng matinding dagok sa relasyon ngmag-asawang Rafael at Margarita nang makita ni Rafael si Margarita na kasamaang kanyang kaibigang si Nick. Hindi na napigilan pa ni Rafael ang kanyangdamdamin at agad niyang sinuntok si Nick. Ilang araw ay nabasa ni Rafael sa dyaryongnatagpuang patay sina Nick at Margarita, at ito ay kagagawan ni Marina. Nalamannaman mismo ni Rafael kay Marina na kaya nito binaril ang dalawa dahil balak niNick na kuhanin ang mga anak nila. Sinundan ni Marina si Nick sa kanilang bahayupang ipaglaban sana ang karapatan nito bilang ina ng mga bata, ngunit hindinito naabutan ang asawa. Kaya kinuha na lang niya ang baril sa kanilang bahaysaka niya sinundan sa hotel sila Nick, at doon niya binaril ang dalawa.
Natapos ang kwento nang aminin ni Rafael nasiya ang gumahasa kay Ligaya. Nagulat ang mag-ina sa narinig, ngunit mapapansinsa mga ikinilos ni Aling Sela na ayos lang ditong si Rafael pala ang ama nganak ni Ligaya. Matapos umamin ay niyayang magpakasal ni Rafael si Ligaya upangpanagutan ang nagawa niya at dahil sa mahal na rin kasi niya ang dalaga. Sa biruangkumpare at kumare nagwakas ang nobela.