Noong araw sa isang liblib na nayon ay may mag-ina na naninirahan sa tabi ng Gubat.
Sa paglipas ng panahon, mabilis na tumanda si Aling Rosa, at si Juan naman ay naging isang makisig na binata.
Minsan, habang si Juan ay nangunguha ng fruitas sa gubat, isang babae ang kanyang nakilala; si Helena. Si Helena ay lubhang kaaki-akit kung kaya’t agad umibig dito si Juan.
Ang anak na si Juan ay isang mabuti at masunuring anak.
Ang ina na si Aling Rosa ay isang relihiyosang babae. Palagi siyang nagdarasal, at sinanay din niya ang kanyang anak na lalaki na magdasal
Dumalas ang pagtatagpo ni Juan at Helena sa gubat. Nahulog ng husto ang damdamin ni Juan sa dalaga. Hangang minsan, nabigla si Juan sa sinabi ni Helena.
Nang dumating si Juan sa kanilang bahay ay agad siyang niyaya ni Aling Rosa na mag-orasyon.
“Hanggang ngayon ay hindi ko pa nararamdaman na tunay ang pag-ibig mo sa akin, kaya nagpasya ako na ito na ang huli nating pagkikita.”
Naiisip niya ang pag-iibigan nila ni Helena. At bigla, hinugot ni Juan ang kanyang itak at inundayan si Aling Rosa sa likod. Bumagsak sa lupa ang ina ni Juan, at kahit nanghihina na ay nagsalita ito.
Maniniwala lamang ako sa pag-ibig mo, kung dadalhin mo sa akin ang puso ng iyong ina na nasa iyong mga palad!” ang matigas na wika ni Helena.
“Ngunit, bakit? Sabihin mo, paano ko mapapatunayan sa iyo na tunay ang aking pag-ibig. Sabihin mo at kahit ano ay gagawin ko,” ang pagsusumamo ni Juan.
Mula sa malayo, natanaw ni Juan si Helena na papalapit. Nasindak si Juan nang makita niyang si Helena ay naging isang napakapangit-pangit na engkanto.
“Anak, bakit? Ngunit anupaman ang iyong dahilan ay napatawad na kita. Ngunit humingi ka ng tawad sa Diyos! Napakalaking kasalanan ang nagawa mo sa iyong sariling ina,”
“Diyos ko po, Inay! Patawarin n’yo ako!” ang nagsisising nawika ni Juan na nagbalik sa katinuan ang isip.
Aral:Kilalanin muna ang taong iniibig at huwag magpadala sa panlabas na kagandahan lamang.Walang makapapantay sa pagmamahal ng magulang sa anak kaya naman sa ating mga anak ay gantihan din natin sila ng pagmamahal na nararapat sa kanila
Umiyak nang husto si Juan lalo na nang pumanaw ang kanyang ina. Kasabay niyon ay bigla na lamang nagbago ang anyo ni Juan. Si Juan ay naging isang butiki; ang kauna-unahang butiki sa daigdig.