Search
  • Search
  • My Storyboards

noli me tangere kabanata 41

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
noli me tangere kabanata 41
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Nang gabing iyon ay hindi dinalaw ng antok si Ibarra. Siya'y balisa sa kaguluhang naganap kaya nilibang na lamang nito ang sarili sa paggawa sa kanyang laboratoryo. Maya-maya'y biglang dumating si Elias.
  • Naparito ako upang itanong sainyo kung may ihahabilin kayo sa pagtungo ko sa Batangas. Ang isa pa'y ibig kong ipabatid sainyo ang isang masamang balita. Si Maria Clara'y may karamdaman ngunit hindi malubha. Siya'y nilalagnat, at ngayon kung wala na kayong ipagbibilin...
  • Salamat sa inyo nawa'y makarating kayo nang maluwalhati. Nais kong magtanong sa inyo kung inyong mamarapatin at kung ayaw ninyong sagutin, kayo ang masusunod.
  • Nais alamin ni Ibarra kung paano napayapa ni Elias ang mga kalalakihan na nambabato at nagwawala doon sa palabas kagab, at ito ay sinagot ni Elias. Ilang sandali pa'y umalis na rin si Elias.
  • Madali po, ang magkapatid pong namumuno sa gulo kagabi ay minsang nailigtas ko sa kamay ng mga pumaslang sa kanilang ama, kaya't kapwa sila kumikilala ng utang na loob sa akin.Sila ang pinakiusapan ko kaya't pati kasama nia'y napayapa
  • Si Ibarra nama'y nagmamadaling gumayak upang pumunta sa bahay ni kapitan Tiyago. Habang naglalakad ay nakasalubong ni Ibarra ang kapatid ng taong dilaw na si Lucas.
  • Ibabayad? Ako'y nagmamadali ngayon, kaya't mamayang hapon ay magbalik kayo upang tayo'y mag-usap. Ako'y dadalaw sa may sakit.
  • Ginoo, nais ko pong malaman kung gaano ang ibabayad ninyo sa pamilya ng aking kapatid
  • Nayamot si Ibarra sa pangungulit ni lucas tungkol sa kung magkano ang ibabayad niya sa pamilya ng kapatid ni Lucas.
  • Huwag ninyong piliting ako'y mayamot!
  • A....! At dahil po ba sa isang may sakit ay pababayaan na ninyo ang mga patay? Iyan ba'y dahil sa kami'y mahirap?
  • Hinabol si Ibarra ng napopoot na tanaw ni Lucas.
  • Para sa kanya'y maari lamang silang maging magkaibigan kung magkakasundo sila sa salaping bayad ni Ibarra.
  • Ngayon ko napatunayang ikaw nga ay apo ng nagbilad sa init sa aking ama. Ang dugo miya'y nananalaytay pa rin sa mga ugat mo.
Over 30 Million Storyboards Created