Noong unang panahon, may magkasintahang nag iibigan ng labis. Sila ay sina Aging at Juana. Bagamat hindi sang ayon ang mga magulang ni Juana ay pinagpatuloy pa din nya ang pag iibigan nila ni Aging.
Isang araw, noong galing sa bukid ang ama ni Juana, natanawan nya si Aging sa kanilang bukas na bintana. Sa galit ng ama ni Juana ay hinugot nito ang tabak at tinaga ang braso ni Aging. Naputol ito.
Agad na tumakbo si Aging papapalayo, hinabol sya ng umiiyak na si Juana. Nang hindi na maabutan si Aging, ay nakita nya ang naputol nitong braso at agad na inilibing.
Lumipas ang mga araw, nagulat na lamang ang ama ni Juana nang matagpuaan nito sa bakuran ang isang misteryosong halaman. Itoy kulay luntian na may mahaba at malalapad na dahon. Kulay dilaw ang bunga nito na tila hugis ng kamay at mga daliri ng tao.
Pagkakita sa puno ay naalala ni Juana ang brasong ibinaon sa lupa kung saan mismo ito tumubo.
"Juana, Juana pumanaog ka"
Mula noon, ang punong iyon ay tinawag na "Aging" at kalaunay naging "Saging"