Sandali! huwag mong isipin iyan pangako hindi kita sasaktan. Kapag ako ay nakalabas tatanawin ko ang malaking utang na loob.
Gusto sana kitang tulungan subalit nangangambala ako sa mga mangyayari. Patawad, ngunit ipagpapatuloy ko na ang aking paglalakbay
Gamitin mo ang troso at gumapang ka paakyat.
Salamat!
Sandali! Hindi ba't nangako ka saakin na hindi mo ako sasaktan, ito ba ang paraan mo ng pagpapasalamat?
Wala na akong pakialam sa pangakong iyan, ilang araw na ako hindi nakakain.
Sandali! Tanungin muna natin ang puno ng Pino kung tama ba na kainin mo ako.
SIge, pagkatapos ay kakainin na kita, gutom na gutom na ako.
Anong alam ng mga tao sa pagtanas ng utang na loob? Sinisira ninyo ang m ga puno para tugunan ang inyong mga pangangailangan. Kaya ikaw tigre huwag kang mag dalawang isip na kaini n yang taong yan.
Anong masasabi mo don? Maari na kitang kainin.
Sandali, tanungin muna natin ang baka sa kaniyang hatol.