Search
  • Search
  • My Storyboards

Performance Task sa Filipino - 1

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
Performance Task sa Filipino - 1
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Saknong 30-31Ngunit itong ating buhay talinghagang di malaman, matulog ka nang mahusay magigising nang may lumbay. Ganito ang napagsapit ng haring kaibig-ibig nang siya ay managinip isang gabing naidlip.
  • Saknong 32-34Diumano'y si Don Juang bunso niyang minamahal ay nililo at pinatay ng dalawang tampalasan.Nang patay na'y inihulog sa balong hindi matarok, ang hari sa kanyang tulog nagising na nalulunos.Sa laki ng kalumbayan di na siya napahimlay, nalimbag sa gunamgunam ang buong napanagimpan.
  • Saknong 35-37Mula noo'y nahapis na kumain man ay ano pa! luha at buntung-hininga ang aliw sa pag-iisa.Dahil dito'y nangayayat naging parang buto't balat, naratay na't nababakas ang dating ng huling oras.Nagpatawag ng mediko yaong marunong sa reyno, di nahulaan kung ano ang sakit ni Don Fernando.
  • Saknong 38-39Kaya ba ang mga anak katulad ang reynang liyag, dalamhati'y di masukat araw-gabi'y may bagabag.Sa kalooban ng Diyos may nakuhang manggagamot, ito nga ang nakatalos sa sakit ng Haring bantog.
  • Saknong 40-41"Sakit mo po, haring mahal, ay bunga ng panagimpan, mabigat man at maselan may mabisang kagamutan.""May isang ibong maganda ang pangalan ay Adarna, pag narinig mong kumanta sa sakit ay giginhawa."
  • PaliwanagDito nag simula ang sakit ni Don Fernando. Ipinakita rito na nagsimula ang sakit ni Don Fernando dahil sa kanyang masama na panaginip. Tiyak na makikita mo na malambot ang puso ng hari kasi mahal na mahal niya ang kanyang anak na dahil lang sa kanyang masama na panaginip ay sobrang natatakot siya na nagkasakit siya.Dito rin ipinakilala ang ibong Adarna, ang gamot sa sakit ng hari.
Over 30 Million Storyboards Created