Araw-araw, ang pitong dalaga ay matiyaga at masipag na ginagawa ang kanilang tungkuling-bahay. Minsan, ay matatanaw mo silang lumalangoy sa dagat, nagtatampisaw sa dalampasigan, at naglalaro, at tila napakasaya nilang panoorin.
Maraming manliligaw ang mga dalaga, at isa sa mga kinatatakutan ng kanilang ama ay ang balang araw ay makapangasawa sila ng lalaking maglalayo sa kanila sa isa't-isa. Ang kanyang pangarap ay ang makahanap sila ng taga Isla rin lang nila. Palagi niya rin itong ipinagdarasal
Ang gaganda naman nila
Sana ang mapapangasawa ng aking mga anak ay taga dito lang sa isla para hindi sila mapalayo sa akin
Isang araw, nang wala ang kanilang ama, may isang grupo ng mga binata ang dumalaw at umakyat ng ligaw. Niyaya nila ang mga dalaga na umalis, sakay sa kanilang magagara, mabibilis at mamahaling mga bangka.
Gusto niyo ba sumama sa amin?
Sige sasama kami!
Nadaan sila sa baybayin ng Guimaras, kung saan nangingisda ang kanilang ama, at sila ay natanaw. Nakita niya ang mga bangka, sakay ang kanyang mga anak. Sinubukan niyang sundan ang mga ito sa pamamagitan ng pagsagwan, ngunit masyadong mabilis ang kanilang bangka para masundan ng kanilang ama.
MGA ANAK!!!
May nadatnan ang ama habang nangingisda na nagkalat na parte ng mga bangka. Laking kaba niya habang siya ay papalapit sa lugar na iyon. Tiyak siya na ito ang bangkang sinakyan ng kanyang mga anak. Nagulat na lamang ang matanda nang may lumitaw na mga isla. Binilang niya ito at laking gulat niyang pito ang bilang nito. Inisip niya na baka ito ang kanyang mga anak.Pinangalanan nila itong Isla de los Siete Pecados o Isla ng Pitong Makasalanan
Baka ang pitong mga islang ito ay nagre-resemblo sa aking mga anak.