Dumating ang magkapatid na taksil sa ama'y agad nagturing.
: Amang malubha ang lagay nangiti sa napakinggan; mgaanak ay hinagka't katawa'y gumaan-gaan. Ngunit nang kanyang mapunang si DonJua'y di kasama, nag-usisa sa dalawa.
Ang Adarna'y dala namin!
Nasan si Don Juan?
Ewan namin.
Malabo man yaong sagot si Don Pedro ay nalugod, pagkatpara nang natalos kataksila'y masusunod.
Tagasalaysay: Nakahambing ni Don Diego yaong siBernardo Carpio, nagpipilit na matalo ang nag-uumpugang bato. Datapwa nga sadahilang ang tao'y may kahinaan, ayaw man sa kasamaa'y nalihis sa kabutihan.Kaya sa kauukilkil ni Don Pedro'y sumagot din, na kung ating lilimii'y umiiwassa sagutin.
Maiiwan siya ritong nag-iisa't lumpong-lumpo; walangkakanin mang ano maliban sa mga damo. Sa gayon ay maligayang dadalhin natingdalawa ang Adarna, pagharap sa ating ama hiya natin ay wala na. Taglay natinang karangalang magsabi na ng anuman sampung mga kahirapan sa ginawangpaglalakbay. Sino naman ang pupuwing ganito man ang sabihin, sa narito't dalanatin ang katunayang magaling?
Kung tunay nga na masama ang pumatay, gawin nati'ypagtulungan na umugin ang katawan. Kung siya'y mahina na't bali-bali mga paa, walangdaang makasama sa pag-uwi sa Berbanya.
Itong huling pangungusap ni Don Perdrongmapagsukab, pikit-mata nang kinagat ni Don Diegong napabulag. Inumog na si DonJuan na di naman lumalaban; suntok, tadyak sa katawan kung dumapo'y walangpatlang. Itong abang inuumog ang panlaban ay himutok; sa tama ng mga dagok,dumaraing, napalugmok. Ano ang kasasapitan ng isang pinagtulungan di ang humantongnga lamang sa tiyak na kasawian. Nang makitang gulapay na't halos hindihumihinga, hawla't ibon ay kinuha't nagsiuwi sa Berbanya.