Noong unang panahon wala pang tinatawag na bansang Pilipinas. Mayroon lamang na maliliit na pulo. Noong hindi pa rin ito bahagi ng mundo, may nakatira ritong isang higante. Ang kuweba niya ay nasa kalagitnaan ng Dagat Pasipiko. Kasama niyang naninirahan ang kanyang tatlong anak na babae, sina Minda, Lus at Bisaya.
Isang araw kinakailangang umalis ang amang higante upang mangaso sa kabilang pulo. Kailangang maiwan ang tatlong magkakapatid, kaya pinagsabihan niya ang tatlo.
Huwag kayong lalabas ng ating kuweba. Diyan lamang kayo sa loob dahil may mga panganib sa paligid. Hintayin ninyo ako sa loob ng kuweba.