May dalawang matalik na kaibigan na laging inaalagaan ang isa't isa. Ito'y sina Pagong at Matsing. Nang naglalakad sila sa tabing-ilog...
Uy! May lumulutang na puno ng saging doon.
Oo nga! Kunin natin.
Ang bigat!
Pagbilang ko ng tatlo, itulak mo habang hinihila ko ng sabay. Isa, dalawa, tatlo!
Uy, nagawa natin! Ngayon, ano nang gagawin?
Sige!
Aba! Alagaan natin ito ng magkasama. Mapapalaki natin ito ng husto sa ganoon paraan.
Tignan mo iyon pagong! Namunga na ang puno natin.
Ako kukuha ng saging, dito ka lang at saluhin mo ang bungang ibabato ko sa iyo.
Gaya ng sinabi, inalagaan nila ng mabuti ito ng sabay. Madalas si Matsing ang kumukuha ng materyales at kagamitan dahil sa kanyang bilis. Si pagong naman ang gumagawa dahil sa kanyang lakas, kahit na mabagal siya. Makalipas ng isang buwan...
Magandang naisip mo pagong!
Napalaki na nga ng puno, napalaki rin ng bunga.
Oo nga. Tara at kain na tayo!
Nakuha ko!
Ayos! Nakapagpatubo na tayo ng puno at may meryenda pa tayo.
Yan, ito salo!
Nagkaroon sila ng masayang meryenda habang pinapanood ang papalubog na araw. Tinuloy nila ang pagpapatubo ng puno at panadami pa ang mga ito! Tunay na naging masaya ang kuwento ng magkakaibigan.