Iskanje
  • Iskanje
  • Moje Zbirke Zgodb

Unknown Story

Ustvarite Snemalno Knjigo
Kopirajte to snemalno knjigo
Unknown Story
Storyboard That

Ustvarite svojo snemalno knjigo

Preizkusite brezplačno!

Ustvarite svojo snemalno knjigo

Preizkusite brezplačno!

Snemalna Knjiga Besedilo

  • Walang tigil sa paghatak ang aninong subsob na palikyad likyad na tumataluntonsa mga pilapil. Baku-bako ang lupang tinatapakan ng mga paang nangangatog sapaghakbang. Mula sa kunot na nuo ay utay-utay na umanod ang ganggabutil na pawis.Lakad-takbo ang kanyang ginawa habang tinitiis ang pagkangalay ng mga kamay nabumibitbit sa konting butil ng bigas at ilang gamot. Kailangang makipaghabulan siya saoras, ang bawat sandali'y mahalaga para sa kanya. Nag-uumagting ang kanyangkalamnan habang nakikipaghabulan sa papalubog na araw. Napatiimbagang siya sagalit sa takbo ng panahon.
  • Kaunting panahon na lamang at hindi na tayo magdaranas ng paglulukot ngtiyan at muling manunumbalik ang iyong lakas, Itay.
  • Marahil ay ganoon din ang nararamdaman ng kuya Lito niya noon. Matinding poot sa dibdib ang naghihimagsik lalo pa't ang natitirang pag-asa'y nabahiran ng pagkabigo. kapirasong lupang pag-aari ng kanyang ama na kinakamkam ni Don.
  • Marahang kumilos ang lumang araro sa gitna ng bukid, Miguel. Hindi alintana ngkanyang kuya Lito ang init ng singkad ng araw na tumitimo sa bahaging laman ngkanyang batok. Hangad palibhasa'y makaahon sa lupa at masilayan ang langit.May bahid ng ngiti ang mga salitang binitiwan ng kanyang kuya Lito isang haponnoon habang kausap nito ang kanilang ama na nakaratay sa kamang yari sa kawayan.
  • Huwag kayong lalabas, ako ang bahala”
  • May namuong pigtal ng hilam na luha sa magkabilang pisngi ng kanyang ama.
  • Sana nga anak, harinawa nga.
  • Isang araw pa bago mag-anihan. Taliwas sa mga pangyayari ay umusbong ang panganib sa kabukiran. Ilang sandali'y narinig nila ang mga yabag ng papalapit na mgaNpaa na aali-aligid sa kanilang kubo. Tumaas ang kilay ng kanyang kuya Lito sabay hablot sa tabak na nakasabit sa may haligi ng dingding.
  • Mula sa butas ng uwang ay nakita niya ang papalapit na sandatahangkalalakihan at narinig niyang sabi...
Ustvarjenih več kot 30 milijonov snemalnih knjig