Iskanje
  • Iskanje
  • Moje Zbirke Zgodb

Unknown Story

Ustvarite Snemalno Knjigo
Kopirajte to snemalno knjigo
Unknown Story
Storyboard That

Ustvarite svojo snemalno knjigo

Preizkusite brezplačno!

Ustvarite svojo snemalno knjigo

Preizkusite brezplačno!

Snemalna Knjiga Besedilo

  • Umuwing nanlulumo si Mathilde sa pahayag ni Madam Forestier tungkol sa kuwintas na kaniyang hiniram.
  • Hanggang sa pag-uwi ay nagnilay ito sa kung paano siya mag-isip at kung paanong hindi siya marunong makuntento rati na nagbunga sa kanila ng kanilang sampung taong paghihirap.
  • Grabe ang nagawa sa amin ng pekeng kwintas na iyon, Kung sana naging kuntento lang ako sa mayroon ako. Mayroon na akong magandang buhay at mabait na asawa...
  • Nagulat naman si Mathilde sa kaniyang sinalubong. Naghanda ang kaniyang asawa ng meryenda at ang mga pagkain ay espesyal sapagka't binili ito ng kaniyang asawa sa pinakakilalang panaderya sa kanilang siyudad at may kamahalan itong kaunti.
  • Mathilde! Andyan ka na pala. Halika, kumain tayo~
  • Natuwa naman si Mathilde at napangiting maamo. Subalit naandon pa rin ang lungkot. Sa gitna ng kanilang munting pagsasalo ay hindi nakayanang itago pa ni Mathilde ang totoong pahayag tungkol sa kuwintas na kaniyang hiniram kaya sinabi niya ito sa asawa niya at inaasahan niya na magagalit ang kaniyang asawa at iiwan siya nito.
  • Patawad, mahal. Peke pala ang kwintas na hiniram ko sa kaniya at pinaghirapan pa natin iyon ng sobra. Sa kabila ng lahat, nagawa mo pa rin akong pagtiisan at nagpapasalamat ako roon.
  • Sa halip na magalit ay niyakap niya pa si Mathilde. Natuwa siya na natutuhan niya na ang kaniyang leksyon.
  • Siguro naman natutuhan mo na ang leksyon sa naging pag-iisip mo, nakakatuwa kung ganoon. Ngunit 'wag na 'wag mong iisipin na dahil lang sa nangyari ay hindi kita mamahalin dahil mahal na mahal kita.
  • NAKARAAN ANG ILANG TAON...
  • Simula noon ay naging kuntento na si Mathilde sa kung anong mayroon siya at natuto pa itong magsipag na lalo kaya nakalipas ang ilang taon ay guminhawa pang lalo ang kanilang buhay.
Ustvarjenih več kot 30 milijonov snemalnih knjig