Iskanje
  • Iskanje
  • Moje Zbirke Zgodb

Ang Alamat ng Buwan

Ustvarite Snemalno Knjigo
Kopirajte to snemalno knjigo
Ang Alamat ng Buwan
Storyboard That

Ustvarite svojo snemalno knjigo

Preizkusite brezplačno!

Ustvarite svojo snemalno knjigo

Preizkusite brezplačno!

Snemalna Knjiga Besedilo

  • Sa baryo ng San Lorenzo ay nakatira ang isang dalaga na nagngangalang Luna na anak ng mag-asawang Lucia at Tonio. Si Luna ay isang responsable at mabuting anak. Siya din ay mahilig tumulong sa mga taong nangangailangan at naghihirap. Kahit siya ay mabait ang pakikitungo sa mga kabaryo, madalas siyang tinutukso at sinisigawan dahil sa kanyang itsura. Malimit siyang inaasar dahil sa kanyang bilugang mukha at mga tuldok sa kanyang pisngi na sinasabing malas ng iilan. Sa kabila ng mga ito, si Luna ay mahal na mahal ng kanyang mga magulang. Subalit, madalas siyang napapaisip kung bakit siya ipinanganak na ganoon ang itsura.
  • Itay, bakit po ba hindi ako ipinanganak ng normal katulad ng iba? Madalas ang tingin ng mga tao sa akin ay isang malas. Halos lahat ng masamang nangyari sa ating baryo ay ako ang sinisisi nila.
  • Anak, huwag mong isipin ang sinasabi nilla sa iyo. Ang pagiging busilak ng isang tao ay hindi nakadepende sa kanyang panlabas na anyo kundi sa kanyang ugali. Oh siya! matulog ka na anak at bukas na ang pista ng ating baryo.
  • Ngunit inay, pagtatawanan lamang nila ako at pagtatabuyan.
  • Anak, hindi nila gagawin iyon. Tandaan mong kahit anong sabihin nila ay ikaw pa rin ang pinakamaganda para sa amin ng tatay mo. Huwag kang mag-alala dahil susunod naman kami.
  • Anak gumising at pumunta ka na sa plasa, nagsisimula na ang pista. Nasisiguro kong magiging masaya ito.
  • Nagulat ang mga tao ng makita nilang dumalo si Luna sa pista. May iilan sa kanila ang binalewala na lamang ngunit may iilan rin ang nagalit sa pagdalo nito sa pista. Gaya ng inaasahan ni Luna ay ipinagtabuyan siya ng mga tao at pinagbabato pa siya. Dahil dito ay tinamaan siya at nagtamo ng maraming sugat at galos sa ulo, braso at binti.
  • Bakit ganon na lamang ang trato ng mga tao sa akin!? Hindi nila iniisip na tao lang rin naman ako. Sana ay sa susumod kong buhay ay titingalain na ako ng mga tao dahil ako ang pinakamaganda sa lahat.
  • Kung anuman ang inyong ipagkakaloob na gantimpala ito ay tatanggapin ko ng maluwag sa aking dibdib at ipagpapasalamat ko sa iyo ng lubos.
  • Kamusta ka munting dalaga, dahil sa iyong kagandahang loob ay bibigyan kita ng isang gantimpala. Tutuparin ko ang iyong kahilingan! Ikaw ay titingalain ng kahit na sinuman.
  • Hinanap si Luna ng kanyang mga magulang t ng mga tao upang humingi ng tawad. Nagtungo sila sa direksyon na pinuntahan ni Luna ngunit hindi nila ito nakita. Pagsapit ng dilim ay may nakita silang isang malaking bilog sa kalangitan na nagniningning. Dahil malapit ito sa hugis ng mukha ni Luna ito ay ipinangalan sa kanya. Ngunit, sa kalaunantinawag nila itong Buwan.
Ustvarjenih več kot 30 milijonov snemalnih knjig