Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying-dagat ng Kenya. KIlala siya dahil sa husay sa pagpana at isang mahusay na makata. Siya at kaniyang ina lamang ang nakakaalam ng kaniyang kahinaan na isang tansong karayom.
Si Liongo ay ang hari ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta at Shangha sa Faza. Napagtagumpayan niyang sakupin ang trono ng Pate ngunit ito ay napunta sa kaniyang pinsan na si Haring Ahmad(Hemedi) na kinilalang kauna-unahang namuno sa Islam.
Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya naman ikinadena at ikinulong niya ito.
Ngunit siya'y tumakas at nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng busog at palaso na kalaunan ay nanalo ito sa paligsahan sa pagpana. Subalit ito ay pakana ng hari upang siya'y mahuli.
Muli siyang nakatakas, nagwagi si Liongo sa digmaan laban sa mga Gala(Wagala) kaya't ibinigay ng hari ang kaniyang anak na dalaga upang si LIongo ay mapabilang sa kanilang pamilya.
Nang lumaon, si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na nagtraydor at pumatay sa kaniya.