Pinuno ni Don Juan ang banga niya ng tubig at ibunuhus sa dalawang bato.Naging tao muli ang dalawang batong prinsipe.
Una niyang binuhusan si Don Pedro at naging tao muli siya. Niyakap ni Don Pedro si Don Juan habang tumatangis.Pangalawa niya naman binuhusan si Don Diego, nang maging taou muli si Don Diego hindi niya alam kung nasang daigdig siya
Zdrs: 2
Bumalik sila sa bahay ng Ermitanyo.
Hinainan sila ng Ermitanyo bilang pagdiriwang sa tagumpay ni Don Juan.
Zdrs: 3
Pinagaling ng Ermitanyo ang palad ni Don Juan, binigay din ng Ermitanyo ang hawla ng Ibong Adarna.
Pauwi na ang tatlong prinsipe sa kanilang kaharian ngunit may masamang balak ang pinakamatandang prinsipe.Balak ng Prinsipe na patayin si Don Juan dahil sa inggit na siya ay ang nakahuli sa Ibong Adarna.Sinabi niya ang balak niyang gawin sa kanilang kapatid kay Don Diego ngunit hindi sumaayon si Don Diego sa balak niyang pagpatay sa kanilang bunsong kapatid. Sinabi ni Don Pedro na kung ang pagpatay ay kasalanan, bubugbugin na lang nila si Don Juan.Sumang Ayon naman si Don Diego.