Napakayabang ng mga kalalakihan! Ulol na ulol sa pag-ibig!
Asan na kaya ang Kapitan Heneral?
Zdrs: 2
Natitiyak kong ang rekomendasyon para sa Akademya ng Wikang Kastila ay nasa panig natin!
Zdrs: 3
Mag-usap na lamang tayo pagkatapos ng dulaan.
Paulita?
Zdrs: 4
Kinse minuto na lamang bago mag-ikasiyam ng gabi. Hindi pa rin dumadating sa dulaan ang Kapitan-Heneral. Maingay sa dulaan dahil sa mga nagrereklamong tao. Ang ibang kalalakihan ay inaakit ang mga kababaihan.
Quoi v'la tous les cancans d'la s'maine!
Nagsimula ang palabas. Ito ay pinamagatang 'Les Cloches de Corneville', isang operata mula Pransya. Ilan sa mga nagtanghal ay sina Serpolette, Gertrude at Germaine.
Zdrs: 5
Ang mga mag-aaral ay manonood din ng palabas. Bago ito magsimula, nalaman ni Sandoval na sinuri at sinang-ayunan ng Kataas-taasang Lupon ang kanilang adhikain. Nalaman din ni Makaraig ang pasya ni Don Custodio ukol sa Akademya ng Wikang Kastila mula kay Pepay. Nagkaroon ng kasiyahan at pagbabati sa palkong kinaroroonan ng mga estudyante.
Haha! Nakatutuwa naman talaga ang palabas na ito!
Naiintindihan ng binatang ito ang wikang Pranses! Nais kong pakasalan ang isang lalaking maaasahan katulad niya!
Habang nanonood ng palabas, sinusubukan ni Juanito na ipamalas ang kanyang galing sa wikang Pranses kay Paulita at Donya Victorina, ngunit ang katotohanan ay hindi niya naiintindihan ang palabas at nagkukunwari lamang na alam niya ang kahulugan ng mga salita. Maraming tanong si Paulita. Hindi siya nakumbinsi nang buo. Si Donya Victorina naman ay tuwang-tuwa sa binata nang hindi nalalaman na nagkukunwari ito.
Zdrs: 6
Nang siya'y pumasok, nakita ni Isagani si Paulita na nasa dulaan na kasama si Juanito Pelaez. Siya ay naguluhan at nakaramdam ng galit. Napag-usapan kasi ng magkasintahan na mauunang manood si Isagani upang masabihan si Paulita kung ang palabas ba ay angkop para sa babaeng tulad niya.
Iminumungkahi pa ni Padre Irene na ipagdiwang natin ang balitang ito sa pagdaraos ng isang piging!
Isang piging kung saan lahat ay magluluksa...O siya. Halina at magdiwang, mga kaibigan.
Natapos ang ikalawang bahagi ng palabas. Kinausap muli ni Makaraig si Pepay at siya'y nakatanggap ng letra mula sa mananayaw. Nakasaad sa letra and pagsang-ayon ni Don Custodio sa AWK, ngunit kung iintindihin ang kabuuan ng kanyang pasya, ipauubaya raw ang pagpapatayo ng paaralan sa isang relihiyosong orden kung sakaling hindi pumayagang mga Dominikano na ikatnig ang akademya sa unibersidad. Nadismaya sa balita ang mga estudyante. Ang mga estudyante ay umalis nang hindi pa nagsisimula ang ikalawang bahagi ng palabas.