Noong unang panahon na nakakapagsalita pa ang mga hayop sa gubat, nagpasya si tigre na humanap ng makakain......
Sakanyang paglalakad ay nahulog siya sa hukay. Sinubukan niyang umakyat ngunit siya ay nabigo.Sumigaw siya ng sumigaw hanggang maggabi ngunit walang dumating na tulong.
Dito na yata ako mamamatay....
Ay, may tigre!...
Pangako, hindi kita sasaktan at tatanawin kong malaking utang na loob ang pagtulong mo sa akin.
Parang awa mo na, tulungan mo ako.
Kinabukasan.......Nakarining si tigre ng mga yabag at muli ay sumigaw siya ng tulong at hindi nagtagal ay....
Gamitin mo ang lubid upang makaakyat ka!
Dahil likas na maawain ay tinulungan ng lalaki ang tigre.Kumuha siya ng lubid at inihagis ito sa hukay.....
Huwag! Diba at nangako kang hindi ako sasaktan?
Dahil sa gutom, dali-daling sinunggaban ng tigre ang lalaki ng ito ay makaakyat mula sa hukay.....
Wala na akong pakialam. Gutom na gutom na ako...
Nag-isip ang lalaki......Maya maya ay nagsabi siya na....
Maari bang tanungin muna natin ang puno ng pino kung nararapat ba na ako ay iyong kainin, matapos kitang tulungan?