Sa isang malayong lugar ay my dalawang mag kasintahan na tunay na nag iibigan, sila si Aging at Juana. Ngunit sa kabila nito ay tutol ang magulang ni Juana na si Mang Juan, kayat lihim lamang siyang nakiki pag tagpo kay Aging.
Ngunit minsang nakipag tagpo siya kay Aging ay nasundan siya ni Mang Juan. Sa sobrang galit ng ama, binunot nito ang kanyang itak at pinutol ang braso ni Aging.
Sa sobrang takot ay napatakbo c Aging papalayo kay Mang Juan. Labis ang pagkalungkot ni Juana sa mga pangyayari. Pinulot na lang niya ang naputol na braso ni Aging at inilibing sa kanilang bakuran.
Pagkalipas ng ilang araw ay wala pa ring balita si Juana tungkol kay Aging. Ngunit sa paglabas ni Mang Juan sa bahay ay may nakita siyang halaman na noon lamang niya nakita. Dali-daling tinawag niya ang anak kung anong halaman ito.
Laking gulat ni Juana ng nakita niya na tumubo ang halaman kung saan niya inilibing ang braso ni Aging. Ito'y kulay luntian, may mahahaba at malalapad na dahon, at may bunga na kulay dilaw na animo'y isang kamay na may daliri ng tao.
Naalala ni Juana ang kasintahan at nasambit ang pangalang Aging. Mula noon ay aging na ang tawag sa halaman. At sa paglipas ng panahon ay nag bago na ang Aging at ito'y naging Saging.