Kontra ako sa inyong mga binanggit dahil Asul ang mas malaking proporsyon ng dagat kaysa sa lupa.
Para sa akin, kulay pula sapagkat ito ang kulay ng dugo na siyang pinakaunang substansiya sa buhay ng tao
Sa aking palagay ay kulay kahel sapagkat hindi man nakikita sa mata at pisikal na aspeto ay ito ang kulay ng kabataan — masaya at puno ng pakikipag sapalaran sa buhay.
Hindi! Kulay dilaw ang pinaka may silbi sapagkat kakulay nito ang araw na siyang nagbibigay ng liwanag at pag-asa sa mundo.
Hahaha mga hangal! Kulay Indigo ang pinaka nagbibigay buhay sa mundo. Dahil ito ang intwisyon na syang may kakayahang makita ang tunay na pangyayari — hindi ba't mas payapa ang mundo kung ito ang ginagawa ng tao?
Hindi ako sangayon sa inyon mga sinabe. sapagkat lilak ang representasyon ng mga maharlika mga taong may bughaw na dugo na syang namamahala sa atin upang magkaroon ng payapang buhay.
Hindi! Sapagkat luntian ang siyang pinaka maraming kulay sa mundo dahil sa mga damo at dahon sa paligid
!!!!
Nag kakamali ka ako ang mas may silbe
ako ang kulay na mas may silbe
Sa pinaka pusod ng kabundukan ng Cordillera ay nananahan ang Hari ng kapayapaan na nagngangalang Bahag kasama ang ibat ibang uri ng hayop, insecto, bulaklak at iba pang klase ng elementong may buhay. Siya ang takbuhan ng lahat kung may kung may suliraning dinadala at agad nya itong binibigyang sulusyon upang mapanatili ang kapayapaan, kasiyahan at kasaganaan ng lahat ng nilalang.
Namuhay ng masaya at matiwasay ang mga nilalang sa mahabang panahon. Isang araw may pitong mangangasong napadpad sa pinaka pusod ng gubat, at pinag-usapan nila kung anong kulay ang pinakamaganda, pinaka may silbi at pinaka nagbibigay buhay sa mundo.
Patuloy ang pagtatalo ng pitong mangangaso at itoy narinig ng mga Diyosa ng Kulay, hindi nila nagustuhan ang kanilang narinig kaya nagsimulang umusbong sa kanilang mga damdamin ang kagustuhang mangibabaw sa lahat ng kulay.
ANG WAKAS....
Naging magulo ang kapaligiran na naghatid ng pangamba sa mga hayop at tao sa mundo. Natakot ang lahat sa mga pangyayari lalo na at wala nang araw at kadiliman na lamang ang nakikita ng lahat.
Nakarating ang problemang ito kay Haring Bahag kaya ipinatawag nya ang mga diyosa ng kulay na sina Diyosang Pula, Kahel, Dilaw, Luntian, Asul, Indigo, at Lilac silang lahat ay nagbangayan sa harap ni Haring Bahag at nakakaramdam ang hari ng pagka dismaya at pagka insulto dahil hindi man lamang sya nirerespeto ng kanyang mga nasasakupan kaya siya'y umiyak ng napakalakas na nagsanhi ng pag-ulan at ito ay ikinatigil ng mga Diyosang nagtatalo, nakita nila ang kanilang mabait at mapagmahal na Hari na umiiyak dahil sa pagkainsulto, paghihinagpis at sobrang kalungkutan dahil sa kanilang nagawa.
agad silang humingi ng kapatawaran at nangangakong irerespeto na nila ang isat isa at magsasama na sila ng walang halong inggit sa kanilang kapwa kaya tumahan na si Haring Bahag na siyang nagpatila ng ulan at bilang paghingi ng tawad ay nagsamasama ang pitong Diyosa sa kalangitan upang mapasaya ang kanilang mahal na hari. At ito ay naging bahaghari.
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov