Nung araw na iyon, ang sikat ng araw sa aming probinsiya ay napakaganda
Ang ilog at kapaligiran ay kulay luntian at bughaw na kay ganda pagmasdan
Naglalakad ako malapit sa pampang ng nakakita ako ng matandang lalaki na nagsasagwan sa isang maliit na bangka na gawa sa kahoy
Sa ibang bayan, ang madalas na gumagamit ng bangka ay ang mga mangingisda. Ngunit sa aming bayan, ginagamit ito bilang isang sasakyan dahil mas mabilis ito sakyan kaysa sa kalabaw o karitela
Naalala ko tuloy nung aking kabataan nung ako ay kasalukuyang nakasakay sa banga. Humalagpos ang isa kong sapatos at mabilis kong itinapon ang isa ko pang sapatos kasama ang hiling na maabutan nito ang kapares na sapatos. Ang bangkero ay nagtatakang nakatingin sa akin kung bakit ko iyon ginawa
Sinabi ko sa kaniya na ang isang sapatos ay wala ng silbi sa akin at sa makakakita. Kaya ko tinapon ang isang pang kapares ng aking sapatos para kung sino man ang makakita ng pares ng sapatos ay magagamit niya ito sa kaniyang paglalakad
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov