Nagbigay ng tulong si Madam Forestier sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho kay Mathilde at G. Loisel sa kanilang hacienda. Siya ay nagtatakda ng mga gawain sa kanilang dalawa at pinapasahod nang mas mataas pa sa sinasahod ni G. Loisel. Ang mga gawain na ito ay madali lamang, katulad ng pag-aayos ng gamit at gawan ng dekorasyon ang mga palumpong.
Sa mabilis na panahon, nakuha muli ni Mathilde at G. Loisel ang kanilang dating tahanan dahil sa tulong na naibigay ni Madam Forestier. Dahil sa kanilang mga naranasan, ni hindi sinisi ni G. Loisel ang mga naganap kay Mathilde dahil sa walang pasubaling pagmamahal niya sa kanyang minamahal na asawa.
Naibalik na natin ang ating bahay! Nakaraos rin tayo sa ating mga paghihirap. Ngunit mahal, lagi mong tandaan na hindi mo kasalanan ang lahat ng mga naganap sa atin.
Malaki ang pasasalamat ni Mathilde at G. Loisel kay Madam Forestier na kahit naiwala at naging irresponsable si Mathilde sa pagkawala ng mga gamit, tinulungan pa rin sila nito. Ngunit, si Madam Forestier ay nagpapasalamat rin sa naibalik na kuwintas. Ang mga kaganapan na ito ay tiyak na kabalintunaan at may positibong epekto sa dalawang panig.
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov