Magulo ang isip ni Sisa habang tumatakbo siyang pauwi. Hindi niya mawari ang sinabi sa kaniya ng kura tungkol sa kaniyang anak. Iniisip niya kung ano ang gagawin niya para mailigtas niya si Basilio at Crispin.
Lalo siyang kinabahan nang may matanaw niya ang dalawang guwardiya sibil papaalis sa kaniyang bahay. Nabawasan ang kaba niya nang makita niyang hindi kasama ng mga ito ang kaniyang dalawang anak.
Natakot si Sisa nang salubungin siya ng guwardiya sibil at pilit pinasasabi sa kaniya kung nasaan ang ninakaw na dalawang onsa ng kaniyang anak.
Pinilit din siyang paaminin sa bintang ng kura. Kinaladkad siya papunta sa kuwartel dahil hindi siya pinaniwalaan sa kaniyang mga katuwiran.
Nakiusap siya na sana ay payagan siyang maglakad ng nauuna sa guwardiya sibil pagdating niya sa kabayanan.Subali’t hindi siya pinakinggan ng sibil kaya laking hiya niya ng makita siya ng mga taong kalalabas lang sa simbahan.
Lalo siyang nawawalang ng pag-asa habang nag-iisip siya sa nangyari sa kanilang buhay.Naawa naman ang alperes sa kaniya at iniutos na palayain na siya. Nanghihina siya sa pagkakulong sa kaniya ng dalawang oras
Ikinulong siya sa kuwartel Sa takot niya ay sumiksik siya sa isang sulok.Ang kaniyang damit ay marumi at ang buhok niya ay magulo. Para siyang mababaliw.
Naglakad siya pabalik sa kanilang bahay. Tinatawag niya ang pangalan ng mga anak,
Crispin!Basilyo!Mga anak ko!
Mapapansin na unit-unting nawawala na siya sa kaniyang sarili.Sa mga sumunod na araw ay palaboy-laboy na si Sisa sa daan. Umiiyak siya at sumisigaw kaya ang mga taong nakakkita sa kaniya ay nagsimula na siyang katakutan.
Ninerbiyos ulit siya. Inisip niya kung ano na ang nangyari sa kaniyang mga anak.Hindi niya maarok kung bakit nangyari ito sa buhay nila.Lumakad siya habang isinisigaw ang pangalan ng mga anak niya.
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov