"We are giving our indigenous people the opportunity to learn selfdevelopment," panimula ng isang nakakurbatang lalake sa entablado, "through the efforts of our tourism department; they could live with the global trends and share the beauty of their traditions and ancestral essence." Nagpalakpakan ang lahat. Ano daw? 'di ko alam, pumalakpak na lamang tayo-iyon ay matapos kaming mapaalis sa aming lugar.
"You have a pair of wonderful eyes, so dark and pensive they could have belonged to the sockets of a philosopher." At ngumiti siya. Sumama ako sa kaniya sa Amerika. Isa siyang cultural psychologist sa Harvard.
Ako ay isang Ata-manabo. Pango, maitim, maalon ang buhok. Pangit ako kung titingnan sa salaman ng superpisyal na kultura na nagdodomina sa isip ng mga tao. Ang maliliit na bato, mga molekula ng mineral, hibla ng mga patay na damo, ang kapiranepot na lupa ng aming mga kumakatawan sa isang Ata-Manobo. Hindi ako makalilimot. "What's that?" tanong ni Ms. Winters. "This is what is left of my people."
Si Ms. Winters ay isang naiibang katauhan. Inalagaan aral; pareho kaming nag-iisa. Malaking porsyento ng aking mala-rebeldeng pagtingin sa mga ortodoksiya ay ibinahagi niya sa akin. Tinuruan magkaroon ng sariling kultura. Isang bote lamang ng lupa ang ko ngunit ngayon ay nakapagtapos ng pilosopiya sa unibersidad kung saan siya naglilingkod. May mga pagkakataon na kami'y nagkuwekuwentuhan na parang "mag-ina," siya daw ay 'di ligawin ng mga lalake noong Junior High. Ang mga gusto nito ay mga "cheerleader type." "They stuff crumpled tissue paper inside their bras to make them seemingly bigger." At kami'y tumawa.
Isang Ata-Manobong iskolar, nagtapos sa prestihiyosong unibersidad, waring isang istoryang katumbas ng pagkakakita sa isang sasakyang pangkalawakan ng mga nilalang galing ibang planeta.
Kinabukasan, bago pumunta sa paliparan ay nagpaalam muna ako kay Ms. Winters na pupunta ng dalampasigan. Isinaboy ko sa tubig ang lupa mula sa bote na parang abo ng isang mahal sa buhay.Paalam.
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov