Oorder ka na naman? DIba kakaorder mo lang din noong nakaraan?
Ahh osige. Sabi mo yan ah pinapaalalahanan lang kita. kung ako pa sayo mag iimpok nalang ako o mamuhunan saka nalang bibili kapag marami nang sobra sa pera
Oo alam ko, ang gaganda kasi lahat bes eh. Last na to promise.
Oo nga eh, gustuhin ko man, kailangan magtipid eh. gagamitin ko pa kase yung pera ko pang puhunan sa negosyo. kapag marami na akong mabenta, saka nalang ako bibili kapag sobra sobra na yung pera ko.
gusto ko talaga tong damit na ito eh. Ikaw ba di ka talaga oorder? Sayang sale pa naman.
Kasi bes nagkaroon ng emergency sa bahay. Kailangan ko sana ng pera kaso naubos ang pera ko kakaonline shopping. Baka naman may extra kang pera, pwede ba makahiram sayo?
Uyyy bes bakit ka nandito? Bakit mukhang malungkot ka?
Oo nga bes, dapat nakinig nalang ako sayo. Pasensya na pati tuloy ikaw nadamay sa problema ko.
Alam mo bes, wala namang problema kung manghihiram ka sakin ng pera. Pero diba matagal na kitang sinabihan na magtipid at imbes na e order mo ng hindi importanteng bagay, ipuhunan mo nalang sa negosyo at 'wag puro order online. Ayan tingnan mo ngayon, pag may emergeny, hindi ka handa.
Thank you talaga bes. Sa susunod makikinig na talaga ako sayo. Ngayon nalaman ko na, na mahalaga palang magtipid, mag-impok, at mamuhunan para sa negosyo.
Ano ka ba wala yon. Basta sa susunod, matututo kang magtipid at mag-impok, para kung may emergency ulit, handa ka na. Kaya wag ka nang malungkot, at least natuto ka na diba?
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov