Sa kubo ni Salome, nagkaroon ng pamamaalam. Lilisanin ni Elias ang poo, at ibig ni Salome na manirahan sa Mindoro. Kung hindi lamang sa kapalaran, maaaring nagpakasal ang dalawang kaibigan sa puso.
Mamumuhay akong kasama ang mga kamag-anak ko sa Mindoro. Madali kong mababayaran ang utang iniwan ng akong ina noong siya'y namatay.
Inaasahan ko na sasama ka sa akin.
Ano ang dahilan ng iyong pagkalungkot aking kaibigan?
Tumutol si Salome dahil umaasa siyang sasamahan siya sa Mindoro. Pinaliwanag ni Elias kung bakit hindi nito maari. kinuwento niya ang naganap saumagang iyon at ang kanyang nais na puntahan si Ibarra
Malunkot na ipinaliwanag ng binata ang imposibilidad ng pag-aasawa sapagkat ayaw ni Elias maranasan ng kanilang magiging anak ang minana niyang kamalasan sa buhay.
Pasensya na Salome, hindi manyayari ngayon at higit kailanman dahil hindi ko nais maranasan ng magiging anak ko ang hirap na dinaranas ko.
Kung yaon, kahit man lamang pagkatapos kong umalis, ay manirahan ka dito. Sa ganito ako'y magugunita mo at buhat sa malalayong lupain iyon ay hindi ko iisipin na ang aking kubo ay tinangay ng buhawi patungong dagat. Kung ang aking sipan ay bumalik sa baybaying ito, ang iyong alaala at ang aking tahanan ay magkasabay na malalantad sa akin. Matulog ka rito kung saan ako natutulog at nangangarap...sa gayon ay para na rin akong nabubuhay na kasama mo, katulad ng ako'y nasa iyong piling.
Salome, ginagawa mng ako'y makalimot
Huwag mong ikubli sa iyong ngiti, ika'y lumuluha
Paalam na, Salome! Lumulubog na ang araw at kagaya ng iniisip mo ay hindi makabubuti sa tingin ng mga kapit-bahay kung ako'y abutin ng gabi rito...ngunit ika'y lumuluha.
Kung gayon, oo nga! Sapagkat ako man ay nalulungkot din
Umalis na lamang ang binata at sinabi kay Salome na sikapin nitong kalimutan siya at maghanap ng ibang kasinthan. Nanatiling walang kibo ang dalaga habang sinusundan ng kanyang mga mata ang binata habang naglalakad palayo, pinakinggan ang yabag nito na unti-unting naglaho
Bolo vytvorených viac ako 30 miliónov storyboardov